KABANATA 20
CALEN:
Punta ka sa bahay. Nandito sina Natasha at Kuro.Me:
Sorry, Cal. Next time nalang. May lakad kami ngayon :(Binaba ko na ang cellphone ko at hindi na binasa ang reply sa akin ni Calen. Mabilis talagang dumadaan ang mga araw na tila ba may hinahabol. Napabuntong hininga ako saka Tumayo ako at naligo. Hindi ako nagsisinungaling na may lakad kami, at saka kahit naman walang lakad ay hindi parin ako papayagan. Mukhang sinabi lang sa akin ni Calen na pumunta ako sa kanila para ipaalam sa akin na kasama niya sina Kuro at Natasha.
Kahapon lang ay binalita sa amin ni Mommy na isinugod si Lolo Rol sa hospital. Nahimatay raw dahil sa pagod ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nakahiga parin siya roon. I am worried, so damn worried!
Ngayong pili nalang ang mga araw na kasama ko si lolo, simula nang mag-asawa muli si mommy at naging busy narin ako sa pag-aaral ay hindi ko na nabibisita si lolo Rol.
Nang matapos akong maligo, tatlong katok ang narinig ko at ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Napalingon ako roon, buti at nakabihis na ako. Nalimutan ko pang e lock ang pinto.
Ngumiti si Ate Mara sa akin. “Bumaba ka na raw. Nasa baba na ang uncle at Mommy mo” lumabas rin siya kaagad matapos sabihin sa akin iyon.
Mabilis na inayos ko ang sarili saka ako lumabas sa kwarto at bumaba. Nakita ko kaagad si mommy na nakaupo sa sofa at si Zero na nakatayo sa pinto. Nakahalukipkip ang lalaki at nakakunot ang noo, mukhang may malaking problema.
Napansin ko kaagad ang nag-aalalang mukha ni Mommy. Tumulak na kaagad kami sa hospital nang makalabas sa bahay. Wala pa akong kain pero hindi nalang ako nagreklamo dahil hindi pa naman ako gutom. Ang importanti ngayon ay mabisita ko si Lolo Rol sa hospital. Kailangan ko munang alamin kung ano ang kalagayan niya ngayon.
Kahapon ay gusto ko na talaga siyang puntahan sa hospital pero pinigilan ako ni Zero dahil may pasok daw ako. Halos magmakaawa na ako sa kanya pero pinapasok niya parin ako sa school.
“Are you hungry?”
Napalingon kaagad ako sa likod ni Zero dahil sa gulat. Napatingin ako sa rear view mirror at tama nga ako na ako ang tinatanong niya.
“Hindi po, Uncle?” sagot ko.
Napalingon narin si Mommy sa akin kaya ngumiti ako. Parang may tinatago kami ni Zero. Kapag kami lang dalawa ay tinatawag ko siya sa pangalan niya pero kung na si Mommy o may tao sa paligid dinagdagan ko ng Uncle.
Pabalik-balik ang tingin ni Zero sa harap at sa Rear view mirror. Umiwas nalang ako ng tingin doon at tumingin nalang sa labas ng bintana.
“I noticed that you've been busy these days, Ravina” wika ni Zero.
Napatingin ako sa likod ni Mommy. Napansin ko rin iyon!
“Ano bang kinab-busy-han mo?” Zero's voice became serious.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mommy. Hindi siya lumingon kay Zero man lang at nanatili ang tingin sa harapan.
“It's none of your business, Lior” sagot ni Mommy
I bit my lower lip nang makita ko sa rear view mirror na hindi nagustuhan ni Zero ang sagot ni Mommy. Nakakunot ang kaniyang noo at kita ko ang pagka-inis doon.
Nagulat ako nang biglaang tumigil sa pagtakbo ang kotse. Kita ko ang paglingon ni Zero sa akin para masigurado na ayos lang ako. Kung hindi ko lang inayos ang seatbelt kanina siguro nadikit na ang noo ko sa sandalan ng inuupuan ni Zero.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...