KABANATA 16
Namayani ang ilang minutong katahimikan. Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa iangat niya ang tingin sa akin. Hindi na namumula ang mata niya at naging seryoso ulit iyon. Ngunit namamasa parin ito ng kaunti.
“ Tomorrow....wala kang pasok 'diba?” tumango ako. “Gumising ka nang maaga, samahan mo akong bisitahin si lola.” tumayo na kaagad siya pagkatapos sabihin iyon.
“Magpapa-alam pa po ako kay Mommy.” kahit ang totoo ay ayaw kong sumama sa kanya. Mas nangibabaw sa utak ko ang sinabi ni Ranz na dumistansya muna. Kahit na nag-sorry na siya ay kailangan ko parin ilayo ang sarili. “Baka magalit si Mommy kung uuwi siya rito na wala ako.”
Binasa niya ang ibabang labi saka niya ipinatong ang dalawang palad sa magkabilang bewang niya.
“Nakausap ko na siya. Don't worry, if you're not comfortable with me, kasama natin si Ranz. Seguro namn hindi ka mabo-boring kapag kasama natin ang hinayupak na 'yun”
Nagulat pa ako sa tinawag niya kay Ranz. Ganyan na ba talaga sila ka close at kung ano-ano na ang itinatawag sa isa't isa? Nakatayo parin si Zero sa harapan ko at hinihintay ang sagot ko. Nang hindi ako umimik, siya na ang nagsalita.
“My grandmother wants to meet you. Dalawang buwan narin nung huli ko siyang makita. Ang pangit naman kung pumunta ako roon ng wala ka.” pagdadahilan niya kaya napakagat ako sa labi.
“Okay lang ba kay Mommy na kasama natin si Ranz?”
“Bakit naman hindi?” nangunot ang noo ng lalaki sa tanong ko.
Hindi niya ba alam na ayaw ni Mommy na makipag-usap o makipagkaibigan ako kay Ranz at sa pinsan niya? Ngumiti nalang ako at tumango. Mukha kasing wala siyang alam.
“Sasama nalang po ako.”
Umalis na kaagad siya s kwarto nang maseguro na sasama ako sa kanya bukas. Mabuti narin para naman hindi ako mabulok sa bahay bukas. Dahil kasama ko naman siya, papayag 'yun si Mommy na mapunta ako sa malayo. Para ko naring naigala ang sarili.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Ate Mara para maghanda. Tinulungan niya akong mag-ayos at mamili ng damit na dadalhin.
“Sinabi ng uncle mo na mananatili raw kayo roon ng isang araw. Isang gabi kayong matutulog doon kaya magdala ka ng damit.” Si Ate Mara na ang namili ng damit pantulog at damit papauwi ko na dadalhin ko ngayon. Sa maliit na bag niya lang nilagay dahil hindi naman ganoon karami ang gamit.
“Naghihintay na po ba siya sa labas?” tanong ko sa kanya. Para kasing nagmamadali si Ate Mara at maaga pa akong ginising.
“Bumaba siya kanina. Hindi pa naman siya nakabihis pero halatang nagmamadali kaya nagmamadali rin akong gisingin ka.” nagkamot siya sa ulo saka ngumiti.
Lumabas si Ate Mara nang matapos siya sa pag-ayos sa dadalhin kong gamit. Naligo na kaagad ako at nagbihis. Kunting pulbo sa mukha at liptint.
“Si Ranz po, Uncle?” tanong ko nang makaupo sa hapag kainan. Nakatingin sa amin si Ate Mara at nakikinig kaya hindi ko pwedeng tawagin si Zero sa pangalan niya.
Ang usapan lang naman kase ay tatawagin ko lang siyang Zero kapag kami lang dalawa.
“Pupuntahan natin siya mamaya sa kanila.” aniya saka uminom ng tubig. Pinagmasdan ko siyang umiinom at umiwas rin nang dumapo ang mata niya sa akin.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...