KABANATA 12
NAMAYANI ang nakakabinging katahimikan sa loob ng library. Pawang nakatingin sila sa isa't-isa na parehong galit ang ekspresyon. Bigla tuloy akong kinabahan. Kapag magtatagal pa ako rito tiyak na magagalit si Zero. Baka nandoon na iyon sa bahay at hinihintay ako.
“Ranz...” mahinang pagtawag ko kay Ranz nang mapansin na wala siyang planong iwasan ang mga tingin ni Kuro. “Tama na 'yan” mahinahon kong dagdag.
Dinilaan niya ang labi saka siya bumuntong hininga at lumingon sa akin. Kinuha niya ang bag kong nakalagay sa mesa saka niya iyon sinabit sa balikat niya. Ngayon ko lang napansin na wala pala siyang dalang bag.
“Kuro, uuwi na ako...” tumingin ako kay Kuro na hawak na ang gitara at bag. Tumango lang siya sa akin saka kami nilagpasan ni Ranz.
Galit ba siya?
Umiling nalang ako at napatingin ulit kay Ranz na pinagmamasdan ang papaalis na si Kuro. Nang mawala na sa paningin sa amin si Kuro ay bumuntong hininga ulit si Ranz.
“Tara na, kanina pa kami naghihintay ni Kuya Zero sa labas.”
Nanlaki ang mata ko. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod ako na kinakabahan. Ibig sabihin ba ay hindi 'yung driver ko ang naghihintay sa labas?
“Anong ibig mong sabihin?” parang hindi pa pumapasok sa utak ko ang sinabi niya.
Habang naglalakad at nakatingin sa kanya ay napansin ko ang ngiti niya sa labi saka siya tumingin sa akin.
“Si Kuya Zero ang sundo natin. Sabi niya kase sumabay na ako sa inyo.” paliwanag niya. Bigla pa siyang natawa kaya nagtaka ako. “Nagtanong siya sa akin kanina kung may project ba tayo dahil 'yun daw 'yung sinabi mo sa kanya kaya nandoon ka sa library. Sinabi ko wala kaya pinuntahan ka namin.” lumakas ang tawa niya. “Nadatnan ka namin doon kasama si Kuro. Saktong pagdating namin , kumalas na sa pagkakayakap sa'yo si Kuro” dagdag niya
Nanlaki muli ang mata ko.
“Hindi niya ako niyakap! Tinuruan niya akong mag-guitara!” asik ko pa
“Bakit sinabi mo project?” nakangisi na pang-aasar niya kaya umiwas ako ng tingin.
“Nagalit siya sa nakita kaya pinuntahan niya ang librarian at inutusan na e lock na ang library. Uuwi na sana kami at iiwan ka roon kasama si Kuro kaso hindi ka niya matiis, bumalik rin kami sa school. Pinahanap niya sa akin ang librarian at hiramin daw ang susi kaya 'yun ang ginawa ko. Tapos inutusan niya ako na gawin 'yun kay Kuro” napakamot pa siya sa ulo.
Parang wala akong naintindihan sa sinasabi niya dahil ang bilis niyang magsalita. Pero kinakabahan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at natatakot ako na makita si Zero.
“A-anong inutusan?” nangunot ang noo ko.
“You know, Hestia. Hindi ako 'yung klase ng tao na magagalit nalang ng walang dahilan. Kaya ganon ang trato ko kay Kuro kanina kase inutusan ako.”
Inutusan?
“Goodluck nalang. Galit na galit 'yun.” pananakot niya sa akin kaya hinampas ko ang balikat niya.
Nakagat ko ang labi ko at umiwas nalang ng tingin kay Ranz. Nakita ko na ang kotse ni Zero kaya mas lalo akong kinabahan. Parang gusto ko nalang tumakbo o mag-isa nalang akong uuwi. Madilim na ang paligid at kunti nalang ang estudyante na nandito.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...