Kabanata 2

7K 107 1
                                    

KABANATA 2


Nakangiti akong bumangon kinabukasan. Ang ala-alang nahawakan ko ang kamay ni Kuro ay nakapagpaganda ng araw ko. Ngunit nawala rin ang ngiting iyon nang maalala ko ang nangyari kahapon sa hapon. Naalala ko na naman ang galit, seryoso at nakakatakot na presensya ni Zero.


I call him Zero dahil iyon ang sinabi niya kahapon. Nang makalabas na ako sa kotse niya, sinabi niya sa akin na tawagin ko na lamang siya gamit ang pangalan niya. Wala akong magawa kun'di ang tumango, dahil ano ba naman ang magagawa ko? Nakakatakot ang awra niya lalong lalo na kapag seryoso ang mukha niya. Palagi naman talagang seryoso ang mukha niya.



Unang kita ko sa kanyang tumawa ay noong pinakilala siya ni lolo sa amin. Nakipagtawanan siya sa amin at hindi na naulit iyon. Minsan iniisip ko nga, gusto ba talaga niyang ikasal kay mommy?



Inayos ko muna ang bed sheet ko saka ako naligo. Lumabas narin ako pagkatapos. Gusto kong agahan ang pagpunta sa school, gusto ko kasing makausap si Natasha. Simula nang tulungan niya akong hanapin ang room ko, nagkasundo narin kami. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Senior high na siya habang kami ni Calen ay highschool palang. Kaya minsan lang kaming nagkikita at nag-uusap.



Nakarating ako sa school nang maaga at mukha kaagad ni Calen ang bumungad sa akin. Sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko si Natasha sa building nila para makipagchismis sa kapatid niyang si Kuro.


Hindi ko talaga alam na kapatid niya si Kuro, wala akong ka ideya-ideya. Hindi rin kase sila magkamukha at mas matanda pa si Natasha. Same lang kami ng grade ni Kuro kaya hindi ko inaasahan na may ate siya. Ang alam ko lang kase, siya ang kuya.



Napangiti kaagad ako nang makita si Natasha sa room nila. Tahimik lang ito at nakatingin sa labas ng bintana. Nang mahagip ng paningin niya ang mga mata ko at nang makita niya ang baklang nasa likod ko, doon sumilay ang ngiti niya.


"Ginagawa niyo dito?" tanong niya kaagad nang makalapit sa amin. Napalingon pa siya muli sa room nila saka niya kami muling pinagmasdan.


"Kapatid mo pala si Kuro, Asha?ikaw ha! 'di ka nag say!" aniya Calen.


Minsan talaga nagiging weird itong baklang ito!


"Hehe" napakamot ng ulo si Natasha. "Hindi kase kayo nagtanong. Nang malaman kong may gusto kayo doon, pinakiusapan ko na kausapin kayo." aniya.


Napangiti ako.


"Paki-usapan mo rin na ligawan ako" parang tangang sabi ko.


Tumawa naman ang dalawa kaya napanguso ako.


"Pinagalitan siya ng pinsan namin kahapon sa mother side. Kilala ka pala ng pinsan ko? Kaano ano mo si Hanzero Lior?" nagtatakang tanong niya. "Muntik na niyang masuntok si Kuro kahapon, pinagbabawalan niya si Kuro na lumapit sa'yo." napakamot siya muli sa ulo.


Nawala ang ngiti ko.


Pinsan? Hanzero Lior?


Pinsan nila ang napangasawa ni mommy?


Napatingin ulit ako kay Natasha nang muling nagsalita ito.


"Kaano-ano mo nga ba siya?" taas kilay na tanong ni Natasha.


Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila. Ang weird naman kung sasabihin kong step dad ko siya tapos siyam na taon lang ang agwat namin. Tumahimik nalang ako.


"Sabay kayong kakain ni Kuro mamaya?" pag-iiba ko sa usapan.


Ngumisi naman siya na tila nang-aasar kaya natawa ako. Bruhang 'to!


My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now