Kabanata 45

1.9K 63 18
                                    

KABANATA 45

EVERYTHING was fine the next day. I spend my time with Zero after the class. Masaya naman kami, kaya hindi ko na inisip pa ang sinabi ni Darren sa akin.

Wala namang mali sa pinapakita sa akin ni Zero ngayon. Wala akong maramdamang pangamba at takot na baka hindi pa nga pweding pagkatiwalaan siya.

He let me check his phone and open his social medias. Ginawa ko 'yun dahil sa sinabi ni Darren. Nang makitang walang kakaiba, nakampamti ako.

Nasabi lang seguro 'yun ni Darren sa akin dahil sa pagpapanggap noon ni Zero bilang asawa ni Mommy. I thought

I smiled widely while looking at him driving. Gusto niya akong dalhin sa rest house niya. Maganda raw doon dahil maraming puno at malayo sa mga tao. He doesn't have maid there too so we bought foods first before we went to his Rest house.

Matagal ang beyahe pero worth it naman dahil pagkarating namin doon, naramdaman ko kaagad ang simoy ng hangin. Zero was right, it's nice to live here.

We went inside the house, may second floor at sinabi niya sa akin dalawa lang ang kwarto. Sinadya niya raw 'yun in case pupunta ang mga kaibigan niya.

Inside the house, you can only see two colors, white and gray. Simple lang ang disenyo dahil seguro hindi naman dito namamalagi si Zero.

“Matagal na'tong bahay?" i asked while looking around. Hinawaka ko pa ang ibang mga gamit na nakadisplay.

“Yes. I bought this two years ago.” pumasok siya sa kusina, sinundan ko naman siya at pinanood na ilabas ang mga pagkaing binili. “What do you want for dinner?” He asked without looking at me.

I sat down on the chair. “Kung ano ang meron. Kahit naman ano pa 'yan basta luto mo kakain ako." i said.

Natigil siya sa sinabi ko. Nakita ko kung paano bahagyang umangat ang sulok ng labi n'ya. Umiiling-iling siyang bumalik sa ginagawa.

Sinabi ko muna sa kaniya na maglilibot ako sa bahay habang nagluluto siya. He agreed, kaya ngayon nandito ako sa labas, sa pool area. Hindi gaanong kalaki ang pool, may garden din sa likod ng bahay ngunit hindi na ako nagpunta roon. When I got tired walking around and smells something delicious, bumalik na ako sa kusina. Hindi pa ako nakapunta sa second floor pero mamaya na.

Tinignan ko kaagad ang relo sa kaliwang kamay ko to check kung anong oras na. 6:23 pm. Ang paalam ko kay Ranz ay uuwi ako before 9.

“What's that face?” biglang tanong ni Zero habang kumakain kami.

“Baka kase nagtataka na ngayon si Ranz. Hindi naman kase ako ganito dati.”

Napasandal siya sa pagkakaupo at napatitig sa akin. Doon ko lang narealize ang sinabi ko.

“Not that it's because of you kaya ako nagkakaganito, Babe. Pero kase....alam mo namang hindi sila sanay na wala ako sa bahay kapag madilim na...” nilambingan ko ang boses ko ngunit seryoso parin ang mukha niya. Halatang 'yun nga ang iniisip niya dahil napatango siya at bumalik sa pagkain.

“Don't worry, I'll make sure to drop you home before 9.”

Napanguso ako. “Dito nalang ako matutulog...sasabihin ko nalang kay Ranz na may biglaang overni—”

“I don't wanna let you lie to them just because you want to stay here with me.” uminom siya ng tubig. “May klase ka pa bukas, 'diba? Hindi pwedeng hindi ka umuwi ngayon.” mahinahon niyang sinabi.

“Ayaw mo'ko dito?”

Napatitig siya sa akin.

“You have no idea how much i wanted you to stay here with me...but you still have parents. Mag-aalala sila kapag natagalan ka ng uwi. And you have class tomorrow, kung dito ka matutulog, anong susuutin mo bukas?”

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now