KABANATA 39
Napatigil ako sa pagpasok sa kwarto nang makita na bukas ang pintuan ng kwarto ni Zero. Hindi ko alam pero bigla nalang gumalaw ang mga paa ko at pumasok doon para tignan siya.
Wala sa sariling napangiti ako nang makita siyang natutulog habang nakatakip ang braso niya sa mukha niya. Halatang pagod dahil hindi man lang nito narinig ang kunting ingay na dulot ng pagbukas ko ng kaunti ng pinto para pang magkasiya ang ulo ko at makita siya.
Nang gumalaw ang katawan niya ay umalis na ako at pumasok sa kwarto. Dahan-dahan ang mga galaw ko sa takot na baka magising ko si Chelsey na kayakap si Gino. Pareho silang natutulog narin......dahil din seguro sa pagod.
Kanina lang ay nagpunta silang lahat muli roon sa beach dahil gusto nila ulit na maligo roon. Kahit pinilit ni Chelsey na isama ako ay umayaw ako. Alam ko kase na ma bo-bored lang ako roon. Natatakot din ako dahil kasama nila si Mrs. Clara.
Kanina palang ito umalis. Pero bago umalis ay may mga salita pa itong ibinilin sa akin na hanggang ngayon hindi ko nalimutan. Palagi paring naglalaro sa isip ko ang mga binitiwan niyang salita. Dahilan kaya natatakot akong makipag-usap kay Zero.
“Hestia”
Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Shanye. Nakabukas ng kaunti ang pinto at tanging ulo at kalahating katawan lang niya ang nakita ko.
Napaupo ako sa kama at nagtatakang napatingin sa kaniya. Nang ngumiti siya sa akin at sinenyasan akong sundan siya ay bumangon ako. Lumabas ako sa kwarto at sinundan siya.
Nauna siyang naglakad sa akin kaya nakasunod ako sa kaniya ngayon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero namalayan ko nalang ang sarili na nasa balkonahe nitong bahay kung saan makikita ang swimming pool sa likod.
“Narinig ko kayong nag-usap kanina.”
Napatingin ako sa kaniya. Ang tinutukoy niya ba ay ang pag-uusap namin kanina ni Mrs Clara?
“Hindi ka gusto ni Tita Clara, tama?” liningon na niya ako. “Narinig mo naman seguro kanina na ayaw ni Tita na makita kang kasama si Zero.” seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon sa akin.
Sa kung paano niya tawaging Tita ang Mommy ni Zero ay parang matagal na nga nilang kilala ang isa't-isa.
I think Shanye is a nuce person. Sa bawat galaw na ginagawa niya ay hindi mo makikitaan ng kapekian.
Tumango ako sa kaniya. “Pero wala lang naman iyon sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit siya gan'on e wala naman akong ginagawang masama sa anak niya.”
Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig ng hangin. Sana pala nag-jacket ako bago ko sinundan si Shanye.
Umupo si Shanye sa isang silya na kulay puti. Nakatingin parin ang mga mata niya sa swimming pool.
“Susundin mo ba ang gusto ni Tita?” pagkatapos ay tinignan na niya ako. “I mean, ang gusto ni Tuta Clara ay layuan mo si Zero. I think it's so disrespectful for Tita's side kung hindi mo siya susundin.”
Nangunot ang noo ko. Nakahalukipkip siya ngayon at seryosong nakatitig sa reaksyon ko.
“Straight to the point, Shanye.” aniko nang hindi ko na magustuhan ang paraan ng pagsasalita niya.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...