Kabanata 15

4.6K 140 62
                                    

KABANATA 15


Lumipas ang mga araw, patuloy parin ako sa pag-iwas kay Zero. Tuwing siya ang maghahatid sa akin sa school o susundo, tahimik lang ako o magpapanggap na tulog. Sinadya ko 'tong gawin tulad ng sinabi ni Ranz, kailangan ko munang dumistansya sa kanya kung maari.





Kahit tuwing sabay kaming dalawa kumain kapag wala si mommy ay mabilis lang akong matapos. Minsan kinakausap niya ako tungkol sa school pero tanging tango at iling lang ang kaya kong isagot. Ilang beses narin siyang gumawa ng paraan para magkausap kami pero palagi akong umiiwas. Palagi kong sinasabi na may gagawin pa ako kahit hihiga lang naman ako sa kwarto.






Hindi niya naman seguro napansin iyon. Dahil nung una palang siyang nandito sa bahay ay ganoon na talaga kami. Iniiwasan ko siya nun dahil sa pambubugbog niya kay Mommy. Nagbago lang simula nung ihatid niya ako sa unang pagkakataon.






“Grabe naman 'yun!” napalingon ako sa reaksyon ni Calen nang e kwento ni Natasha ang tungkol sa pamilya niya.






“Daddy cheated before. Hindi na ako magtataka kung uulitin niya iyon, lalo na ngayon na nahahalata ko ang palaging pag-alis niya sa bahay dahilan kaya palagi silang nag-aaway ni mommy. ” parang isang imbistigador si Natasha habang nagk-kwento sa amin.






Sinasabi niya ang nakakahinalang galaw ng Daddy niya.






“Baka naman busy sa trabaho.” Sabat ni Ranz habang kumakain ng pagkain. “My dad also cheated to my mom before, pero hindi niya naman pinapahalata. Nalaman lang namin nung nay isang buntis na babae ang pumunta sa bahay. ” boring na dagdag niya na parang hindi na iyon big deal.





Bakit ba tungkol sa ganyan ang pinag-uusapan nila.






Natawa si Calen na nakaupo sa tabi ko habang kumakain. Nasa cafeteria kami. “Ang bad naman ng mga daddy niyo, kaloka! Mabuti pa si Daddy hindi 'yan ginawa kay mommy, takot e.” natatawa niyang sabi habang ngumunguya.







Napalingon naman sa akin si Natasha nang mapansin na tahimik lang ako. Ilang araw rin kase akong malungkot at guilty na hindi pinapansin at iniiwasan si Zero. Feeling ko ang sama ko sa bagay na iyon. Tuwing umiiwas ako kay Zero kase ay nakikita ko ang pagkunot ng noo niya. Doon palang alam ko na na hindi niya nagustuhan ang ginagawa ko. 





“Tahimik ka diyan?” tanong niya





Napabuntong hininga ako “Hindi ako maka-relate sa sinasabi niyo.” sagot ko.





Napangiwi namn siya at nakipagkwentuhan ulit kina Calen at Ranz. Hindi na namin palaging kasama si Kuro. Balita ko kase may girlfriend na at doon na napupunta na ang atensyon niya sa babae. Kaya hindi na ako nahihirapan na iwasan rin siya tulad ng sinabi ni mommy.





Matapos kaming kumain , pumunta kaming lima sa kabilang building kung saan nagp-practice sina Kuro kumanta. Gusto kase ni Natasha na manood sa kapatid. Kanina pa tuloy ako nakanguso dahil ayaw kong makita si Kuro kasama ang girlfriend niya.





“Crush mo may jowa na. Magbibigti ka na ba?” nang-aasar na boses ni Ranz.






Hinampas ko siya sa braso. Hindi ko magawang gawin ang sinabi ni mommy na 'wag nang makipag-usap sa lalaking ito. Ang hirap niyang iwasan. Nung unang araw palang sa pagsisimula ko na iwasan siya ay napansin na niya kaagad. Kung ano-ano ang ginawa niya kausapin ko lang siya. Makulit at palagi akong ginugulo kaya wala na akong magawa kun'di kalimutan nalang ang sinabi ni Mommy. Ang pangit rin naman kase na wala namang ginagawang masama ang tao tapos iiwasan ko.






My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now