KABANATA 31
Inayos ko ang sarili bago muling bumalik sa room. Pilit na ngiti ang pinakita ko kay Ranz nang makita na nakapa-mey-wang na siyang nakatayo sa harapan ko at nakakunot noo.
“Gaano ba kalayo ang cafeteria at naabutan ka ng ilang minuto bago makabalik dito?” may galit at pag-aalala sa tono niya. “'nyare sa mata mo? Umiyak ka na naman ba?” mas lumapit siya sa akin.
Umiling naman ako at umiwas ng tingin. “Hindi!” iling iling kong sagot at inabot sa kaniya ang pinabili niya sa akin.
Nilampasan ko siya pagkatapos at umupo na. Sumunod naman siya sa akin. Nakatingin siya na parang pinag-aaralan ang sagot ko.
“Segurado kabang hindi ka umiyak, Hestia? Namumugto ang mata mo.” mahinahon niyang tanong na para bang sa paraan na 'yon makapagsabi ako ng totoo.
“Hindi nga sabi!” nakaiwas ang tingin na sagot ko.
Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya ulit. Nakatingin siya sa akin sa paraan na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
“Saan ka galing kanina? Pinuntahan kita sa cafeteria pero wala ka dun.”
Hindi ako nagsalita. Napansin niya 'yon kaya napabuntong hininga na lang siya at hindi na ako kinausap hanggang sa matapos ang klase.
Sabay kaming dalawang lumabas ng campus nang walang nag-sasalita. Pero ilang segundo rin nang tumigil kami sa waiting area para hintayin ang sundo naming dalawa ay nagsalita siya.
“Nag-usap kami ni Daddy, kagabi.” aniya na nakatingin sa mga sasakyang nilalampasan kami. “Gusto ka raw niyang makausap.” dagdag niya.
Hindi ako nagsalita.
“Sinabi niya rin sa akin na imbitahan ka sa bahay. Malapit na kase ang birthday ni Mommy.” pagsasalita niya ulit.
KATAHIMIKAN
“Ano namang gagawin ko run?” pagod kong tanong sa kaniya.
“Mag-uusap kayo. Kakausapin mo si Daddy. Para naman makilala mo siya.” aniya na nakatingin patin sa dumadaan na mga sasakyan.
“Alam mo naman na hindi ako pwedeng mawala sa bahay. Makakalabas lang ako kapag may pasok.” aniko
“Pupunta rin si Kuya Hanzero. Alam kong inutusan din siya ni Daddy na isama ka.”
Napatingin ako sa kaniya. “Alam ba ni Zero na alam ko nang buhay si Daddy?..........na alam ko na ang pagpapanggap nila?”
Umiling siya. “Sinabi ko kay Daddy na huwag ipaalam sa kaniya dahil alam kong magagalit kalang sa akin.”
Tumango ako.
Magsasalita sana ako nang makita ko sa 'di kalayuan ang pamilyar na sasakyan. Nangunot ang noo ko at napatayo nang maayos. Hindi ako nagkakamali at alam kong kay Darren ang kotse na 'yan. Hindi pa ba siya umalis?
Sa ilang minuto kong nakatingin sa sasakyan ay umandar na ito at lumiko para umalis. Bakit nandito pa si Darren? Anong ginagawa niya sa harap ng gate sa school namin?
Hindi pa nga ako tapos kakatanong kung bakit nandito pa si Darren kanina ay napatigil at hindi na naman ako makagalaw sa gulat at pagkabigla nang may tumigil na kotse sa harapan namin at inilabas nun ang nakasando na damit na si Zero. Nakapamulsa ito at seryoso ang mukha.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...