KABANATA 38
Malapit na kaming uuwi pero hindi parin ako sumali sa kasiyahan nila. Silang lahat ay naliligo na sa dagat maliban sa aming dalawa ni Zero. Zero was at the other cottage talking with a friend. Naiwan akong mag-isa rito sa cottage namin at walang magawa kun'di ang panoorin lang sina Chelsey at Gino na nagsasaya.
Naliligo narin si Shanye at Natasha pero wala ata sa dagat ang atensyon ni Shanye. Ilang beses ko na siyang nakikitang nagmamasid sa paligid. Kakaiba nga ang kinikilos niya minsan.
May oras na malambing siya kay Zero at minsan naman parang hangin lang sa kaniya si Zero. Si Natasha naman hindi nagsasalita, maliban nalang kung kinakausap ni Shanye. Napansin ko rin ang pag-iwas nito sa akin. Hinayaan ko nalang.
"Why are you still here?"
Napaigtad ako dahil sa bigla. Napalingon ako kay Zero at nagpilit ng ngiti.
"Wala akong ganang maligo." sinagot ko nalang.
Tama si Shanye kanina na maganda ang lugar na ito. Sasaya ka talaga at hindi magsasawa. Kung may gana lang sana ako ngayong makihalubilo sa kanila baka ako pa ang pinakamaingay sa kanila ngayon. Pero nawalan lang talaga ako ng gana simula pa kanina nung papunta palang kami rito.
"Are you tired?" Umupo si Zero sa tabi ko.
Basa ang buhok niya dahil naligo naman siya kanina kasabay ni Shanye. Halatang nagsaya siya kanina dahil hinahayaan niya lang si Shanye na basain siya. Napanood ko nga kanina ang pasimpleng pagyayakapan ng dalawa.
"Hindi naman. Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito."
Medyo napatigil ako sa paghinga nang maramdamang dumampi ang balat niya sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pakalmahin ang sarili.
"Hindi ka sanay o mas gusto mo lang talagang doon tayo sa batis pumunta?"
Napatingin na ako sa kaniya. Nanatili ang paningin niya sa mga kaibigan namin ngunit alam kong hinihintay niyang magsalita ako.
"Hindi naman sa ganun, Zero. Maganda naman dito talaga dito, e. Mas maganda pa nga dito kaysa doon sa batis."
Natingin narin siya sa akin. "But you more enjoy being at that place. Pwede naman tayong pumunta roon ngayon."
"Ng tayo lang dalawa?" itinuro ko pa siya saka itinuro ang sarili ko.
"Is it a big deal, sweetheart?" he asked
Lumayo naman ako ng kunti sa kaniya. "Zero...." I called him in a warning tone.
He giggled and tap my head. Ginulo niya iyon kaya napaayos ako.
"You want to go there?" he asked.
Nag-isip muna ako. Baka hindi magustuhan ni Shanye kapag umalis kami rito at iwan sila. Ayaw ko rin namang sirain ang araw ni Chelsey at Gino ngayon dahil halatang ang saya saya nila.
"Sa susunod nalang." aniko.
Tumango nalang siya at pinanood muli ang mga kaibigan. Nang matapos sila bumalik sila sa cottage at kumain. Patuloy parin sa pag-aasaran si Chelsey at Gino.
"Tignan mo, Hes. May cute guy." ininguso ni Chelsey ang lalaking kakaahon lang sa dagat.
The man was topless at kulay blue na short lang ang suot. Mahaba ang buhok ng lalaki at pinood ko kung paano niya sinuklay ang buhok gamut ang kamay.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...