Kabanata 25

3.3K 96 30
                                    

KABANATA 25



PABALIK-BALIK ang tingin ko sa kaniya at sa cellphone kong kanina pa nag-v-vibrate. Alam kong naramdaman niya iyon dahil tumitingin-tingin siya sa akin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag na ito.



Dale  calling.....



5 missed calls na at hindi ko parin alam kung dapat bang sagutin ito e magkatabi kami ni Zero. Kakatapos lang ng alitan ng dalawa kanina kaya imbis na sagutin ay in-off ko nalang ang cellphone. Nakita iyon ni Zero nang napalingon siya sa pwesto ko.




"Why won't you answer that" hindi parin siya kalmado. Medyo seryoso ang boses niya ngunit naroroon parin ang inis na nanggagaling kanina.



Alam kong hanggang ngayon ay gusto niya pang makipagsagutan kay Dale, ramdam ko 'yun dahil nung makapasok ako sa kotse niya kanina ay nakita ko kung paano niya hampasin ang manebela. Tumigil lang siya nang makita ako.




"Hindi naman po importanti" 'yun nalang ang isinagot ko.




Sa totoo lang, gusto kong sagutin ang tawag ni Dale dahil baka may sasabihin siya sa akin. Pero pinigilan ko lang ang sarili dahil baka magalit si Zero.




Napayuko ako at isinandal ang likod. Claire. Siya ang pinag-awayan nila. Girlfriend ni Dale si Claire. At ano bang ginawa ni Zero sa babae? Bakit ganoon nalang ang galit ni Dale kay Zero? Hanggang ngayon palaisipan parin sa akin si Claire.




Gusto kong tawagan si Dale at magtanong sa kaniya dahil alam kong makakakuha ako ng impormasyon sa kaniya. Kapag si Zero ang tinanong ko baka mas lalong uminit ang ulo.



Nakarating kami sa bahay at nauna siyang lumabas para pagbuksan ako. Ngunit nang makalabas ako ay umuna rin siyang naglakad papapasok sa bahay. Mabilis ang hakbang niya kaya hindi ko siya masabayan. Nasa sala siya at napaupo na roon habang may hawak nang tubig na bigay ni Ate Mara. Nang makita ako ng babae ay lumapit siya sa akin.



"An'yari? Wala sa mood stepfather mo" bulong niyang tanong.




Napanguso ako.



"Hindi ko alam." pagsisinungaling ko.



Baka kung sabihin ko pa sa kaniya ang nangyari kanina ay kukulitin niya lang ako para magkwento sa kaniya sa buong detalye. Gusto ko nang pumasok sa kwarto dahil pagod ako. Nagbabakasakali rin ako na baka tumawag ulit si Dale.




Hindi ko na nilingon si Zero at papaakyat na sana ng hagdan nang inutusan akong pababain nito. Wala akong magawa kun'di ang sumunod lalo na't mainit pa ang ulo niya.




Sinenyasan niya akong umupo sa kaharap niyang single sofa kaya 'yun ang ginawa ko.




"Matagal na ba kayong nag-uusap?" alam kong si Dale ang tinutukoy ni Zero.




Huminga muna ako nang malalim. "Minsan lang po kami nag-uusap. Pero two weeks napo kaming magkakakilala" sagot ko.




Nanliit ang mata niya.




"from now on...hindi kana pweding bumalik sa hospital. Babalik kalang doon kung sinabi ko" uminom ulit siya ng tubig.




Napanganga naman ako. "Pero-" hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang tinignan niya ako nang may halong pagbabanta. Tumango nalang ako.




Nasa sala lang si Ate Mara at nakikinig sa amin. Ang iba namang katulong ay may iba't ibang ginagawa.




Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin hanggang sa magsalita siya ulit.



My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now