Kabanata 22

3.2K 80 13
                                    

KABANATA 22

Sinamahan niya akong magpahangin sa rooftop. Wala raw kase siyang gagawin at hihiga lang kaya gusto niyang magpahangin din. Tahimik kaming dalawa habang nakasunod siya sa akin papunta sa pinakaitaas nitong hospital. Nang makalabas, sumalubong kaagad sa amin ang malamig na hangin.

Bagaman walang ilaw na nakabukas dito, nagkaroon parin ng liwanag dahil sa ilaw na nanggagaling sa iba't ibang  nagtataasang building kalayuan sa harapan namin. Pinagmasdan ko ang mga ilaw at kabuuan ng syudad. Napupunta na ang ilang tikwas ng buhok ko sa aking mukha dahil sa lakas ng hangin kaya hinawi ko ito at nilagay sa likod ng tenga.

Napatingin ako sa lalaking kasama ko na nasa aking likod at nakatayo. Hindi siya nakatingin sa akin dahil ang atensyon nito ay nasa langit, tinitignan ang kumikislap na mga mga bituin. Kahit na alam kong ayaw niya talaga akong kausap o kasama sinamahan niya ako rito. O feeling lang ako?! Pakiramdam ko kase sumabay siya papunta rito sa rooftop para makita ang mga bituin hindi para samahan akong magpahangin.

Dahil sa matagal akong nakatitig sa kanya, naramdaman na niya iyon at napatingin na siya sa akin. Bahagyang nangunot ang kaniyang noo.

“Stop staring. Kung may gusto ka sa'kin sabihin mo nalang, hindi 'yung tinititigan mo ako....nakakailang” aniya pero hindi naman halata sa mukha niya na naiilang siya. Ramdam ko ang inis doon hindi pagkailang.

“Mahangin na nga rito mas pinasobra mo pa!” umirap ako na may kunting ngiti sa labi.

Hindi na ulit siya nagsalita. Kumuha ako ng isang upuan na nakatambak doon sa may gilid. Ginaya ako ng lalaki. Sabay naming pinanood ang pagkislap ng mga bituin sa langit. Tahimik, nakikiramdan lang kami sa isa't-isa.

“Do you come here often?” biglang tanong niya sa gitna ng mahabang katahimikan.

Tumango ako nang hindi nakatingin sa kanya. Sa gilid ng mata, nakikita kong nakatingin siya sa akin. Baka siya itong may gusto sa akin!

“Pumupunta ako rito tuwing gabi, kapag tulog na si Lolo” I said without looking at him.

Bigla akong napatingin sa kaniya nang maalala na hindi ko pa pala ito kilala. Kanina palang kami nagkausap pero hindi iyon ang unang beses na nakita ko siya at nakita niya ako.

“Anong pangalan mo, Kuya?”

Mas lalong nangunot ang noo niya. Tinignan niya ako na tila nandidiri sa itinawag ko sa kaniya. Pero nakabawi rin siya at sumagot sa tanong ko.

“Loisel Dale  Vergilius. You can call me Dale. Remove the kuya dahil hindi 'yan uso sa akin ang ganyan.”

Napanguso ako. Halata naman na mas matanda siya sa akin. Sakto lang ang katawan niya at medyo mahaba ang kaniyang buhok. Natatabunan ang kaniyang noo. Matangos ang ilong na oara bang napakaperpekto ng pagkakagawa nito. Ang kaniyang manipis at kulay dugong labi ay nakakaakit. Aaminin ko na gwapo siya, pero mas attractive si Zero kung ipagkukumpara silang dalawa. Kung si Kuro naman ay panalo itong si Dale.

Ano ba itong pinagsasabi ko?!

“Matanda kana 'diba?” para siyang nainsulto sa tanong ko.

“18....18 palang ako. Mas matanda ako sa edad pero mas matanda tignan 'yang mukha mo” nang-iinsulto niyang sinabi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“Excuse me?!”

“Tell me your name?” pag-iiba niya sa usapan.

Huminga muna ako nang malalim para ikalma ang sarili dahil hindi ko talaga nagustuhan ang biro niya, o biro ba talaga 'yun?

“Hestia Reign Destaun, 15”

“Bata ka pa pala. Akala ko nasa 25 or 30 kana”

Hindi ko na napigilan ang sarili at hinampas ko na siya sa braso. Natawa siya sa ginawa ko at marahan na hinihimas-himas ang braso niyang pinalo ko. Kailangan ko lang pala siyang saktan para tumawa.

“Should I call you Inday?” sarkastiko niyang tanong na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko alam pero umiling ang ulo ko para bigyan siya ng sagot. “Balita ko kapag inday at kuya ang tawagan nagkakatuluyan”

Napangiwi ako.

“Naniwala ka naman!” inirapan ko siya

Saan niya naman nakuha iyon?

Sinamahan niya ako hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto sa patient's room kung nasaan si lolo. Hindi siya nagpaalam sa akin bagkus ay tinalikuran niya lang ako at bumalik roon sa silid niya.

Pumasok ako sa silid kung saan naka-confine si lolo. Nagulat pa ako nang makita na nandito si Zero. Akala ko hindi siya makakapunta rito dahil may lakad siya. 'Yun yung sinabi niya sa akin. Nakabawi rin nang tumingin siya sa akin. Her face was serious. He looked at me as if I did something that triggered him.

Napangiwi nalang ako saka tinignan si lolo ay umupo sa bakanting sofa kung saan ako kadalasan natutulog tuwing nag-s-stay ako sa hospital.

“Where have you been?” Zero's voice thundered inside the room. Mahina iyon, ngunit dinig na dinig ko.

“Sa rooftop...nagpapahangin” sagot ko.

Napataas pa ang dalawa niyang kilay para seguraduhin kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa huli, napabuntong hininga siya.

Napatingin ako sa maid na nakaupo sa upuan katabi ng hospital bed kung saan si Lolo Rol nakahiga. Nakaupo ito habang natutulog.

“Pack your things. Uuwi tayo.” mahinang sabi ni Zero.

“Ha? Paano si Lolo?”

“Binayaran namin ng Mommy ang nurse na iyan para bantayan ang lolo mo. Ikaw, may pasok ka sa susunod na araw.”

“Pwede naman akong mag-stay muna dito. Bukas nalang ako uuwi.”

Napanguso ako nang hindi niya ako pansinin. Siya ang nag-ayos sa mga gamit ko at nang matapos ay hinila na niya ako papalabas sa hospital. Tinanong niya ako kung nagugutom ba ako pero iling lang ang isinagot ko. I was planning to annoy Dale tomorrow. At least, kung sa hospital ako mananatili may kakulitan ako. Pero hindi ata mangyayari iyon.

“Nasa bahay si Mommy?” I asked him

“No.... she's with his friend.”

Wala nang nagsalita ulit sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala akong ibang ginawa kinabukasan kun'di ang matulog at kumain. Wala rin siya sa bahay at wala rin akong makakausap. Naging boring ang araw ko hanggang sa dumating ang Monday.

“Hestia!” nagulat pa ako nang makita si Calen na nagmamadaling tumatakbo papalapit sa akin . May pawis sa noo niya. “Ang tagal mo!” nahihirapang huminga niya pang sabi saka niya ako hinila sa kung saan.

Tumigil na kami sa pagtakbo at nanlaki kaagad ang mata ko nang makita si Ranz na sinasakal si Natasha. Nasa likod kami ng building at kami lang ang nandito. Sinubukan ni Natasha na alisin ang kamay ni Ranz na mahigpit na nakahawak sa leeg niya pero hindi niya kaya ang lakas nito.

Mabilis na lumapit ako sa kanila at inilayo si Ranz. Nagulat pa si Ranz sa pagdating ko ngunit kaagad ring nakabawi at tinignan ng masama si Natasha.

“WHAT'S YOUR PROBLEM?!”  Sigaw ni Natasha sa kaniya.

Pinilit ko si Ranz na lumayo kay Natasha. Si Calen naman ay naka-alalay kay Natasha na nahihirapan pang huminga at umuubo pa.

“Nothing ” bagot na sagot ni Ranz.

Literal na nagtataka at gulat akong napatingin sa kaniya.

“Ranz...” tawag ko rito.

Tinignan niya ako. “Your welcome” aniya

Hindi ko siya maintindihan. Anong your welcome? Magtatanong pa sana ako sa kaniya para ipaintindi sa akin ang nangyari rito pero tinalikuran na niya kami.

What's wrong with you Ranz?

_________________________________________________________________________________
Searelscent<3

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now