Kabanata 13

4.8K 135 35
                                    

KABANATA 13

Kahit na tapos na at lumayo na siya sa akin ay hindi ko parin mawala sa sarili ang pagkagulat sa ginawa niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya na tahimik nang nagmamaneho at may ngisi na sa labi, base sa mukha niya ngayon, halatang hindi na siya galit at nalimutan ang nangyari kaninang away.

Hindi ako mapaniwala....totoo ba 'yun? Parang panaginip lang ang lahat at ang hirap paniwalaan na nangyari iyon. Hindi ko alam kung normal ba iyon sa amin, normal ba iyon na halikan niya ako sa ibaba ng labi kahit na kasal sila ni Mommy. Mommy would be mad if she finds out , alam kong halik lang pero tiyak na iba ang iisipin ni mommy.

“Ate Marina wants to talked to you, Kuya Hanzero.” parang nawala ang atensyon ko kay Zero nang magsalita si Ranz. Napatingin ako sa kanya sa likod at nangunot ang noo. “Maghihintay daw siya sa kwarto niya.” dagdag pa niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.


Bakit sa kwarto? Magkakilala rin ba ang ate ni Ranz at si Zero? Maraming tanong sa isip ko pero binaliwala ko nalang. Hindi pinansin ni Zero ang sinabi ni Ranz at nanahimik lang siyang nag-da-drive na may ngisi parin sa labi. Napalingon ako ulit kay Ranz na nakatingin parin sa cellphone kaya itinuon ko nalang ang mga mata sa labas ng bintana. Umayos ako nang upo at pilit na winawala sa sarili ang nangyari kanina lang.


I don't know how to face Zero again, kahit na magkatabi kami hindi ko na alam kung paano siya harapin. I'm not that innocent para sabihin na normal lang ang halik na iyon. I fell like, there is something more about that kiss, parang may ibang meaning ang halik.

Punishment? Maybe?

Pero mali iyun! Kung totoo ko siyang ama hindi ako mag-iisip  ng ganito. But he's my STEP-FATHER. Literal na kasal sila ni mommy. Hindi naman talaga sila kasal sa simbahan. Sa papel lang, nagulat nalang ako paggising ko may asawa na si mommy.

Huminto kami sa isang malaking bahay na tiyak na kina Ranz. Medyo malayo pala ang bahay nila sa school. Bumaba si Ranz at nanatili si Zero sa kotse. Binuksan ng katulong nila ang gate saka pumasok si Ranz sa loob nang hindi man lang nag-paalam sa amin. Kahit isang bye wala! Hindi parin pinaandar ni Zero ang kotse at nakatingin lang ito sa harap ng bahay. Hindi tuloy ako makahinga ng maayos. Kinakabahan ako dahil kami lang dalawa ang nasa kotse at natatakot ako na baka lumingon siya sa akin.

Maya-maya pa ay may lumabas na bata na hula ko ay 8 years old. Ito ba si Kyle na kapatid ni Ranz? Lumapit siya sa kotse at binuksan naman ni Zero ang bintana.

“Hanap ka ni Ate.” aniya sa mahinang boses. Napalingon sa akin ang bata at kita ko na medyo nanlaki ang mata nito pero ngumiti rin nang makabawi.  “Is she Ate Hestia?” tanong nito.

Kilala niya ako?

Lumingon si Zero sa akin kaya umiwas ako ng tingin ibinalik rin nang tumingin siya ulit sa bata.

“Don't tell anyone na kasama ko siya.” parang naintindihan naman ng bata kaya tumango ito at tumalikod na.


Bakit? Anong problema?

“Wait me here.” naging seryoso ang boses niya at lumabas kaagad ng kotse. Pumasok siya sa loob ng bahay na iniwan man lang ako rito ng mag-isa.


Napatingin tuloy ako sa kamay ko, nakayuko. S'yempre! Pupuntahan niya sa kwarto 'yung ate ni Ranz. Ano naman kaya ang gagawin nila roon? Huminga ako nang malalim habang iniisip na baka girlfriend niya rin si Marina. Sino ba talaga ang girlfriend niya? Si Claire o Marina? Bakit dalawa?! Baka wala siyang girlfriend naman talaga dahil kasal sila ni mommy. Pero paano kung meron talaga?

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now