Kabanata 5

6.3K 147 17
                                    

KABANATA 5



Matapos ang hapunan, umalis kaagad si lolo at naging tahimik na naman bahay. Kanina lang ay pinag-uusapan pa namin ang tungkol sa birthday ko next month. At natutuwa si lolo na malapit na akong mag 18 kahit 3 years pa ang kailangan. Puno ng tawanan namin kanina ang bahay maliban nalang kay Uncle Zero na tahimik lang at nakikinig. Mukhang wala siyang planong magsalita nung nandito si lolo. Tanging tango at iling, nagsasalita naman siya minsan ngunit kunti lang. Kung hindi yes, no naman.



Dumaan ang mga araw na para akong hangin sa bahay. Para akong ghost na napadpad dito. Nagsimula na naman ang pagka-busy ni mommy at palagi nalang daw pinapatawag ni lolo. Palagi na siyang umaalis at kung hindi gabi umuwi, bukas. Minsan ay wala siya dito sa isang araw. Kaya napakaboring. Kahit naman nandito si mommy ay boring parin. Minsan lang kami mag-usap pero sulit. Minsan lang ako magkaroon ng oras na kakwentuhan siya, kaya kung nag-uusap kaming dalawa, sinasabi ko na ang nangyayari sa araw ko. Ang pagkakaroon ko ng kaibigan at crush.



"Umuwi na kaya si Uncle Zero?"


Napasabunot ako sa buhok ko habang nakahiga sa kama. Kung may nakakakita man sa akin, tiyak na sasabihin nila na nababaliw na ako.



Isa pa itong si Uncle Zero.



Last kong marinig ang boses niya ay noon pang dito naghapunan si lolo. Kinabukasan nun, palagi narin siyang umaalis at kung nandito naman siya sa bahay, nakakulong lang siya sa kwarto niya. Kapag nagkasalubong naman kami, deretso lang ang tingin niya sa daan at hindi man lang ako titignan.



Na guilty tuloy ako.



Seguro ay nasaktan ko siya nung sinabi ko nung nakaraang araw. Seguro galit siya dahil sinigawan ko siya. O baka naman hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya hinahayaan na niya ako ngayon na gawin ang gusto ko. Nakakataka rin kase, lumalapit na sa akin si Kuro at hindi na niya ako iniiwasan. Palagi ko narin siyang nakakasama tuwing sabay kaming kakain ni Natasha.



Napasabunot ako sa buhok ko ulit.



Mag-s-sorry ba ako kay Uncle Zero? Hindi ko talaga kase kayang may isang taong galit sa akin. Ayaw ko ng ganun. Parang ang weird sa pakiramdam lalo na kapag si Uncle Zero. Tuwing lalagpasan niya ako ay hindi niya ako nililingon. Tuwing kumakain ay hindi siya kumikibo at aalis rin kaagad sa hapag-kainan. Parang ayaw niyang malapit ako sa kanya.



Sanay naman ako sa ganoon niyang ugali ngunit ngayon na alam kong may nagawa akong mali, hindi ako mapakali. Mag-s-sorry nalang ako. Ilang araw ko narin namang planong magsorry sa kanya kaso hindi na siya ang naghahatid sundo sa akin.



Dahil sa pag-iisip ko, alas dose na ako nakatulog kaya kinabukasan ay lutang akong gumising habang papunta sa school. Pilit na bumababa ang pilik mata ko na halatang kulang sa tulog.



"Nagpupuyat ka ,'no?" tumaas ang dalawang kilay ng bakla. "Pero infairness, kahit mukha kang tanga maganda ka parin." sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.



"Alam ko" kahit na inaantok ang boses ay parang nagyayabang ako.


Sinabunutan naman niya ang buhok ko at binitawan rin. Umirap siya at umiwas ng tingin

"Si Natasha. Sabi niya sa akin hindi raw natin makakasabay kumain si Kuro dahil may kunting awayan silang dalawa. "


Napanguso ako.


Wala ako sa mood nang matapos lahat ng klase. Inaasahan ko pa naman na makita si Kuro para naman mawala 'tong antok ko kaso hindi ko siya nakita. Kung lalabas kami sa room ay kung saan na napadpad ang tingin ko mahanap lang siya kaso wala. Si Natasha naman, ayaw sabihin kung bakit sila nag-aaway. Ang sabi niya, family problems lang.


My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now