Kabanata 42

1.8K 66 19
                                    

KABANATA 42


Hindi ko mabanggit kung anong kaligayahan ba ang nararamdaman ko sa bawat dumadaan na mga araw. Halos hindi na mawala ang ngiti sa labi ko, para na akong baliw





Simula nung araw na sinagot ko siya, bigla nalang nagbago ang buhay ko. Parang may kakaibang nangyari sa akin kapag tinatawag niya akong sa kaniya at tinatawag ko siyang akin. Palagi akong namumula kapag sinasabi niya ang tawagan namin.......babe






Pero parang ako lang naman ang tumatawag sa kaniya ng ganoon. Mukha kaseng nasanay siyang tawagina kong sweetheart kahit na ang sinabi ko sa kaniya ay Babe. Pero paulit-ulit niya parin akong tinatawag sa paraang 'yun kaya minsan ay naiinis ako.






Naalala ko kase nung akala ko Stepfather ko siya. Minsan na niyang tinawag iyon sa akin kaya naiilang ako kapag binabanggit niya 'yun.






Halos wala na kaming ibang ginawa sa nakalipas na tatlong buwan naming pagsasama kun'di ang patagong magkita. Mas lalo na kaming nag-iingat ngayon dahil mas lalong naging strict sa akin si Ranz  simula nung nakita niyang magkasama kami ni Ryu. Siya na ang naghahatid sundo sa akin kaya minsan nagmamakaawa ako sa kaniya na mag t-taxi nalang ako pauwi o magpahatid sa driver ni Chelsey. Mabuti nga at pumayag.







Minsan dinadala ako ni Zero sa Cafe niya tuwing hapon, pero syempre kasama si Chelsey. Nagtataka nga ako kung bakit wala si Shanye pero nahihiya naman akong magtanong kay Zero. Hinihintay ko lang na sabihin niya sa akin kung nasaan ang babae. Ang hirap naman kaseng magtanong baka tanungin pa ako pabalik.







“Pupunta kami ni Jack sa bahay ng parents niya, kaya wala kami sa bahay kung sakaling bibisita kaman doon.” Wika ni Ate Marina at itinigil ang sasakyan sa harap ng hate ng university. Siya ang naghatid sa akin.







Tinanggal ko muna ang seatbelt sala ako lumingon sa kaniya. “Ilang araw ba kayo ro'n?” tanong ko







“1 week ata. Gusto kaseng maka bonding ni Tita si Ivan at Kyle. Syempre naman, kailangan kong pumunta ro'n.” aniya at napabuntong hininga.








Hanggang ngayon kase ay ayaw sa kaniya ng mommy ni Kuya Jack. Naging mabait lang dahil kay Ivan at Kyle.








“Sege, ingat kayo r'un ate.”







Bumaba na ako pagkatapos. Nang binuksan ko ang pinto ng room ay mukha kaagad ni Ryu ang bumungad sa akin. Hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang ako. Lumabas siya ng room kaya umupo na ako sa upuan ko.







Nginitian ko si Kella na papalapit sa akin, kakarating lang din niya.








“Good morning” bati niya sa akin.







“Morning” bati ko pabalik sa kaniya.











Pasimple niyang inilapit ang upuan sa tabi ko at ipinatong ang kaniyang dalawang siko sa armchair at humarap sa akin.









“Kamusta na 'yung kapatid mo?” nakangiti niyang tanong sa akin na ikinatawa ko.









Simula kase nung ipinahatid ko siya kay Ranz sa kanila ay naging interesado na siya sa lalaki. Sinabi niya rin sa akin na gusto niyang mapalapit sa akin para mapalapit din siya sa kapatid ko. Nagbiro pa siya na gagamitin niya lang ako para magkatuluyan silang dalawa.








My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now