Kabanata 18

4.2K 113 24
                                    

KABANATA 18

Isang hindi maipaliwanag na tingin ang iginawad sa akin ni Ranz nang tuluyan na akong pumasok sa kwarto at iniwan si Zero sa labas. His glares are giving me nightmares. Parang may malaki akong kasalanan sa lalaki na hindi ko naman alam kung ano.


Ang akala ko ay natutulog na ito pero mulat na mulat pa ang mata nang pumasok ako. Nakaupo sa kama at nakasandal sa head board. Hawak hawak ang kaniyang cellphone.


"Problema mo?" nakabusangot na tanong ko bago ako umupo sa kabilang kama na medyo malapit lang sa kanya.


Kulay pula ang kanyang bedsheet habang ang akin naman ay dilaw. Mukhang napaghandaan na ng lola ni Zero ang pagdating namin o baka ganito lang talaga ito dati paman.


"I've been waiting for you for..." napatingin siya sa oras ng cellphone niya saka ako nito muling tinitigan. "For one hour and 6 minutes" dagdag nito sa naputol na sinabi.

"Akala ko ba matutulog kana? Bakit mo naman ako hinintay?" tumaas ang kilay ko.

Pasimple kong sinuklay ang buhok gamit ang kamay habang nakataas parin ang kilay ba nakatingin sa kanya. Malakas ang paghugot niya ng hininga.


"I want to give you these chocolates" naging maliit ang boses nito na parang daga saka ipinakita sa akin ang isang plastic na chocolates na kinuha niya sa gilid ng kaniyang kama at nakatakip sa kumot.


Mas lalo akong napasimangot. Gusto ko man kumain ay wala akong gana. Bagaman ilang oras na ang lumipas nang kumain ako ay hindi parin ako makaramdam ng gutom. Alas dose y media na ng gabi. Nasanay na ang mga mata ko na hindi makatulog ng maaga o sinusulit ko ang oras na makasama si Zero sa labas kahit wala naman kaming ginagawa.


Kahit na palagi naman kaming nagkikita sa bahay at palaging nag-uusap, hindi parin mawala ang medyo pagkailang ko sa oras na magkatabi kami o nag-uusap. Seguro dahil ito sa pag-iwas ko sa kanya ng ilang araw. Masasanay na seguro ako kung hindi ako dumistansya sa kanya. Pero tama parin naman ang ginawa ko.


Tumingin ako kay Ranz. "Baunin nalang natin 'yan bukas. Doon natin 'yan kakainin sa batis. " aniko


Tumango lang siya at hindi na ulit ako nilingon pa. Akala ko kanina'y galit ito dahil sa mga tingin na iginawad nito sa akin. Napaka-weirdo talaga ng lalaking ito. Pabago-bago ang mood.

Bago ako natulog ay pumasok muna ako sa banyo at nag toothbrush.

HINDI pa man sumisikat ang araw ay nagising na kaagad ako. Mahimbing ang tulog ni Ranz. Apat na oras lang ang tulog ko. Gusto ko sanang matulog ulit para hindi ako makatulog mamaya kaso ayaw ng mga mata ko. Kaya imbis na pilitin ang sarili na makatulog ulit, tumayo nalang ako sa lumabas sa balcony ng kwarto.


Bagaman may mga mga ilaw na nanggagaling sa nagtataasang poste ng bakuran, madilim parin ang sa banda ng balkonahe kung saan ako naroroon. Isang napakalamig na hangin ang yumakap sa akin, ingay ng mga punong nagsasayawan ang tanging naririnig ko.


Umupo ako roon ng ilang minuto hanggang sa tuluyan nang sumikat ang araw. Nang magising si Ranz ay pumasok na muli ako sa loob at nakipagbatian sa kanya.


"Aga mo nagising." aniya sa loob ng banyo habang nanghihilamus.


Nakabukas ang pinto nito. Kaya kung ano man sasabihin niya ay naririnig ko.


"Pagkatapos ba nating kumain dederetso na kaagad tayo sa batis para maligo?" tanong ko


Lumapit ako sa pinto ng banyo habang pinapanood siyang pinupunasan ang mukha gamit ang tuwalya. Nagkibit-balikat lang siya bilang sagot na hindi niya alam.


My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now