KABANATA 41
"Sayang hindi tayo same course. Ang hirap pala kapag gusto mong maging doctor tapos 'yung kaibigan mo gustong maging teacher. Hayst....." gan'on nalang ang pagbuntong hininga ni Chelsey na parang ang laki ng problemang dinadala niya.
"You can't blame me, Chels. I like kids." Ngiti ko
Napanguso naman siya at napatigil sa paglalakad. Napatigil narin ako.
"Hestia, 'diba siya 'yung lalaking nakita natin sa beach?" tukoy niya nung pumunta kami kina lola Tina.
Tinignan ko naman ang lalaking pinupunto niya. Nagulat pa ako ngunit hindi ko pinahalata kay Chelsey.
"Oo. Bakit ba?" Nagpatuloy na kami sa paglalakad pero ang mga mata ni Chelsey ay nasa lalaki parin.
"I didn't know na rito rin pala siya mag-aaral." mangha niyang sinabi at ngumiti sa akin. "Sayang naman, ship ko pa naman kayo. Kaso......may manliligaw kana." kilig niyang sinabi at binangga pa ang braso ko.
Napangiwi naman ako. Muli kong tinignan ang lalaki. Mahaba parin ang buhok. Walang nagbago. Maliban nalang sa medyo umitim siya pero hindi naman nababawasan ang kagwapuhan.
Napailing ako. Nagpaalam na ako kay Chelsey at nagtungo sa room. Tinignan ko muna isa-isa ang mga kaklase ko bago ako tuluyang pumasok sa loob. I looked around and noticed that there is only 3 boys in our room. Nadagdagan lang ng isa nang may isang pamilyar na lalaki ang pumasok sa room habang may binabasa na libro. Bagaman nakatingin ang mga mata sa libro, alam niya parin ang dinadaanan.
Napalunok ako at umupo. Nasa gitna lang ako. Ayaw kong umupo sa unahan at sa likod kaya pinili ko ang pwesto rito. I smiled at the girl who sit beside me, ngumiti lang siya pabalik at hinarap na ang katabi nitong babae rin. I sighed. I looked at my right side to see who's sitting there and to my suprise, it is the man again who's reading book earlier, which is the man na nakita namin ni Chelsey sa beach nung nakaraan.
Dahil nahihiya ako, tahimik lang akong nakaupo at hinihintay na magsimula ang klase. I'm nervous. It is my first day as a college student at hindi ako sanay na hindi kaklase si Chelsey at Gino. Well, Gino stopped. Walang panggastos ang ina dahil nahospital nga kaya nagtratrabaho nalang ngayon ang lalaki. I can't blame him. He doesn't want us to help him.
Napatingin , muli, ako sa katabi nang mapansin sa gilid ng mga mata na ibinaba nito ang libro. Chelsey was right before that this man is cute. Naalala ko tuloy si Kuro sa kaniya dahil sa mahaba niyang buhok. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi tinatali ng lalaki ang buhok niya at hinahayaan lang na nakalugay. Hindi siya ganoong kahaba katulad ng kay Kuro noon. Ngayon kase ay panglalake na talaga ang gupit ng buhok ni kuro.
Napansin ata ng lalaki na kanina pa ako nakatitig kaya napalingon siya sa'kin. I smiled at him. I wanted to know his name, earlier. Nahihiya lang ako na sabihin kay Chelsey at mas lalong nakakahiya kung tinanung ko man siya kanina. Good thing we're classmates. I wanted to know his name not because I like him or he is my type. It's just that.....he looks like a good guy.
"You want something?" muli ay napaigtad ako nang magsakita ang lalaki. His voice was soft, as if he was scared to shout.
Umiling ako. Umiwas na ako ng tingin at umayos ng upo. Nakakailang tuloy na umupo lalo na't alam kong nakatingin parin ang lalaki sa akin. Buti nalang pumasok na ang guro at sinimulan kaagad ang klase sa pagpapakilala sa isa't-isa.
Sunod-sunod na nagpakilala ang nasa unahan hanggang sa matapat ito sa babaeng katabi ko.
"Kella Keers Magtagad, 19. I like writing and watching tragic movies...." pinagpatuloy ni Stella ang pagpapakilala sa sarili hanggang sa ako na ang tinawag ng prof.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...