Kabanata 21

3.5K 92 21
                                    

KABANATA 21

Nagising ako dahil sa sakit ng katawan. Halos hindi ako makagalaw nang maayos kaya pilit na idinilat ko na lamang ang mga mata kahit inaantok pa ako. Likod kaagad ni Zero na nakatayo sa aking paanan ang nakita ko. He was talking to a doctor but I couldn't understand them, dahil seguro sa kakagising ko lang, ang nagpo-proseso  pa sa utak ko ang mga nangyari.

Tinignan ko ang hinihigaan at nalaman ko kaagad na nakahiga ako sa hospital bed. My eyes looked around to find a clock and it's 3:43 in the afternoon. Bahagyang nangunot ang noo ko at wala paring naintindihan sa nangyayari. Ang kausap na doctor ni Zero ay napatingin sa akin dahil sa pilit kong paggalaw dahilan kaya napalingon rin sa akin si Zero.

Nakitaan ko ng pag-aalala ang kaniyang seryosong mukha ngunit nawala rin kaagad nang makabawi. Mabilis siyang lumapit sa akin at pinigilan ako sa paggalaw.

Lumabas na ang doctor kaya naiwan kaming dalawa. I looked around to see if my mom is here but she isn't. Nang tumingin ako kay Zero, doon ko lang napansin na may isang dextrose  sa kanang kamay ko. Naramdaman ko rin ang tela na napalibot sa aking ulo.

Nahuluan ko na tatlong oras o dalawa lang akong nakatulog dahil pareho lang ang damit ni Zero kanina noong papaalis na siya sa bahay. Naalala ko ang nangyari kanina at pasimpleng napadaing nang pilitin ko na naman ang sarili na gumalaw.

“Don't move.” seryosong utos ni Zero.

Dahil masakit ang katawan ko tuwing gumagalaw, nanatili nalang akong nakahiga at nakatulala sa kisami. Hindi na ako kinausap ni Zero at hindi ko na muli siyang narinig na nagsalita. May kausap siya sa telepono at alam kong si Mommy iyon dahil binanggit niya ang pangalan.

Wala akong maalala na may kaaway ako. Sino naman iyong tumulak sa akin? Wala akong maisip dahil lahat naman ng tao sa school na kilala ko ay mabait sa akin. Hindi ko rin alam kung alam ba ni Zero na may tumulak sa akin.

Bumalik ang tingin ni Zero sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko ngunit saglit lang iyon dahil binitawan niya rin kaagad nang bumukas ang pinto at iniluwa si Mommy. My mother was about to hug me but Zero stopped him.

“Masakit ang katawan niya.”

Tumigil si Mommy saka nag-aalalang tinitigan ako. I forced a smile to tell her I'm fine. Masakit ang pagkahulog ko sa hagdan, kaya kahit kunting galaw ay nakakaramdam na kaagad ako ng kirot.

“How's your feeling? Your body? Are you okay?” paulit-ulit na tanong ni Mommy.

Nakangiti na tumango ako pero kitang kita ko sa mata niya na hindi siya naniniwala. Sinabi sa akin ni Mommy na pupuntahan niya lang si Lolo sa kabilang kwarto para sabihin na gising na ako. Ngayon pala ay dalawa na kaming nasa hospital. Sa saktong paglabas ni Mommy ay ang pagpasok ni Ranz.

Nakasuot parin siya ng uniform at dala na ang bag.

“May klase pa ngayon, 'diba? Bakit nandito ka?” mahina ang boses ko ngunit nagtataka.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at umupo roon sa silya na katabi ng isang lamisa kung saan nakalagay ang paper bag at bag ko.

“Half day ako.”

Tinitigan niya ako nang mabuti saka dumapo ang mata niya kay Zero. At para na naman silang nag-uusap sa mata.

“Sinong nagdala sa akin sa hospital?” naalala ko na may kumarga sa akin bago ako nawalan ng malay.

Nagkatinginan silang muli ni Zero saka siya sumagot sa akin. “Ako.....nagtaka kase ako kung bakit ang tagal mo kaya binalikan kita. Sakto ring naabutan kitang nakahiga sa sahig at may dugo sa ulo.”  ngumuso siya sa aking ulo.

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now