KABANATA 40
“Okay kalang?” tanong sa akin ni Chelsey nang mapansin na kanina pa ako walang kibo.
Ngumiti ako ng pilit para malaman niya na okay lang ako. Kahit na sa totoo, parang hindi. Hindi ko alam pero hindi ako okay. Ayaw kong magsalita at ayaw kong may kumausap sa akin. Gusto ko nalang mapag-isa
At umiyak.
“Are you sure?” tanong niya ulit at hinawakan ang balikat ko.
Napatingin tuloy sa akin si Gino at Natasha at si Zero na kanina paman talagang nakatitig sa akin na parang hinihuli ang mga mata ko.
“Yes, Chelsey. I am sure.” sagot ko.
Sumandal ako sa pagkakaupo at napabuntong hininga. Ayaw ko talaga ng kausap ngayon.
Kami lang ni Zero, Natasha , Gino at Chelsey ngayon sa sala at nanonood ng tv. Si Chelsey kinakausap ako pero tumigil din nang mapansin na ayaw ko ng kausap. Si Zero naman kanina pa ako sinusubukang kausapin pero umiiwas ako kabag binubuka na niya ang bibig niya.
Kanina habang nag-uumagahan, tinanong ako ni Lola Tina kung may naging problema ba ako sa bahay at sumabat naman si Zero at tinanong ulit iyon sa akin. Imbis na sa kaniya sumagot kay Lola Tina ako tumingin. Siya naman kase ang unang nagtanong.
Wala si Shanye at kanina pa umuwi.
Napahalukipkip ako nang maalala ang nakita kanina. Napakagat ako sa labi at parang nanikip ulit ng dibdib ko. Kung nakita nila ako kanina na pinapanood sila, baka magtaka sila sa akin. Nakakahiya kapag ganoon ang nangyari.
Ngunit mas nakakahiya si Zero! Ang kapal ng mukha niyang magsabing espesyal ang paghalik niya sa akin kagabi tapos kanina lang ay.........ahhhh!
“By the way, Kuya. Kuro told me to tell you na mag-imbita karin daw ng kaibigan sa birthday niya. Magaganap ang birthday niya sa bahay ni Daddy at.......T-tita.” pasimpleng napatingin sa akin si Natasha at umiwas din.
“It's his birthday. Bakit ako ang mag-iimbita?” hindi nakatingin kay Natasha'ng sagot niya.
Nakatuon ang mga mata ni Zero sa tv ngunit alam ko naman na wala roon ang isipan niya. Nakapatong ang dalawa nitong siko sa magkabilang tuhod habang nakaupo.
“Ang ibig kong sabihin, mag-imbita ka ng mga kaibigan mo kung gusto mo.” aniya Natasha at napasimangot.
I wonder kung imbitado ba kami ni Ranz? Wala naman kaming pinag-awayan ni Kuro. Ang problema lang namin ay ang sitwasyon namin ngayon. Seguro imbitado ako since magaganap ang birthday ni Kuro sa bahay ni Mommy at ng bago niyang kinakasama.
“Kanina kapa tahimik ” aniya Chelsey habang kumakain ng hotdog na nakatusok sa stick.
Nasa likod kami ng bahay, sa may swimming pool. Napag-usapan kase nila na maligo dito kaya nakisama nalang ako.
“Wala lang akong gana na magsalita.” aniko at uminom ng juice.
Nasa pool si Zero at Gino kasama si Natasha. Si Chelsey naman ay nilapitan lang ako dito.
“May nangyari ba?” tanong niya at tumitig sa akin.Napatigil naman ako sa pag-inom. “Nangyari sa ano?”
She sighed and rolled her eyeballs.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...