Kabanata 19

4K 118 30
                                    

KABANATA 19

Nang makuntento na kami sa batis ay umuwi narin kaagad kami. Sinabi sa amin ni Lola Tina na pumunta kami sa kabilang bayan dahil baka raw may gusto kaming bilhin roon. Bagaman inaantok at pagod, wala akong magawa kun'di sumang-ayon nalang na pumunta roon dahil mukhang gusto ni Ranz.

Unang lumabas si Ranz sa kwarto habang inaayos ko pa ang basa kong buhok. Kakatapos ko lang maligo sa cr. Nawala rin ng kunti ang antok ko.


“You can stay here if you want. Sasamahan ko nalang si Ranz roon.” napatigil ako sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at napansin si Zero na nakatayo at nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. There's a small smirk on his face na hindi ko alam kung bakit. Nababatid  kong alam niyang pagod ako ngayon.

“Okay lang, uncle Zero. Hindi naman ako ganoon kapagod. Gusto ko rin makita ang bayan na tinutukoy ni Lola Tina. Tiyak naman rin na masayang maglibot roon dahil kasama natin si Ranz.” nang matapos kong banggitin iyon ay ibinalik ko ang tingin sa salamin.

Ala una na ng hapon. Maya-maya ay pupunta na kami sa bayan para mag-ikot-ikot. Gusto ko rin sulitin ang mga oras na ito dahil tiyak na hindi ko na ulit magagawa ang maglibang kapag walang pasok. Batay sa sinabi ni Lola Tina, maraming mga tindahan roon sa bayan, maraming nakatayong iba't-ibang tinda sa gilid ng daan. May pera naman ako rito, gagamitin ko nalang kapag may gusto akong bilhin.


“You should rest, Hestia.” seryoso ang boses niya. Nanatili parin siya sa kinatatayuan.

Tinignan ko siya sa salamin at nagtagpo ang mga mata namin. Iba na naman ang emosyon sa mukha niya. Seryoso ang mukha ngunit napapansin ko na may kunting ngiti sa labi.

“Gusto kong maglibot roon. 'Wag po kayong mag-alala , uncle Zero, inaantok ako pero hindi naman masiyado.” pagpupumilit ko.

Alam kong gusto niyang matulog na ako ngayon. Lalo na't mamayang gabi ay mahaba ang byahe papauwi sa bahay namin. 

Sinadya kong tawagin siyang uncle zero dahil baka may dumaan na tao at marinig na tanging pangalan lamang ng lalaki ang ginamit kong pantawag. Baka mag-isip na wala akong galang, kahit naman na totoo na wala naman talagang kagalang-galang iyon. But what can I do? Zero told me to call him by his name! It's an order. Naiintindihan niya rin naman seguro kung bakit ganito ang tawag ko sa kanya sa ngayon.


Nang nakuntento na ako sa pagpapatuyo ng buhok ay tumayo na ako. I was about to remove my bathrobe when I realized Zero was still standing inside the room's door.

I shifted my gaze to his. He seemed to understand the look I gave him, but he had no plans to leave the room. He was still leaning against the door jamb, staring straight at me.

Napanganga naman ako at napabuntong hininga. Kinuha ko nalang ang mga damit na susuutin saka pumasok sa cr para magbihis. Nang makalabas ako ay nakatayo parin ang lalaki sa pinto, naghihintay sa akin.

“Let's go” sinabi niya nang makita na tapos na ako sa pagbihis.

Tumango ako. “Susunod po ako” umupo akong muli at sinuklay ang buhok. Tinirintas ko ito saka ako lumabas nang matapos.

Naghintay sila sa akin sa sala. Nakaupo silang pareho ni Ranz habang kinakausap si Lola na nakatayo. Lumingon si Lola sa akin kaya napalingon rin ang dalawa. Sabay silang tumayo nang makalapit ako. Nagpaalam kami kay Lola saka kami tumulak sa kabilang bayan gamit ang kotse ni Zero.

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now