Patuloy pa rin ang pagpatak ng ulan ng gabing iyon sa liblib na lugar kung nasaan sila. " Na-napakasama ninyo... why are you still doing that to her!? Hindi pa ba sapat ang mga nalaman niyo... ahhh... " may hikbing sambit ni Lucy matapos nitong masaksihan ang nangyayari sa kanyang ina habang kinakaladkad towing truck. " Itigil niyo na 'to! Ple-please... itigil niyo na 'to... Huhuhu! "
" Luciana, tama lang 'yan sa kanya. Kung tutuusin kulang pa nga 'yan dahil sa paglapit noon ng mga anak niyang oportunista sa mga anak ko eh! "
" Ms. Ellie... talaga ba'ng pinaninindigan mo 'tong lahat... na this is the evil you!? " marahas na tanong ni Lucy habang nakagakapos sa bakal na krus.
" Oo, dahil sagad sa buto ang galit ko sa pamilya nila at kahit hindi kayo tunay na mag-ina ni Victoria mawawala ka na rin dito sa mundo dahil ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Nathalie! "
" Gi-ginawa ko lang ang tama... pinagtangkaan niya ang buhay ko dahil sa matinding pagseselos na nararamdaman niya! Isa pa... marami na siyang pinatay dito sa Changwon! "
Sumabat naman si Kashmir sa nangyayaring pag-uusap ng dalawa. " Kahit na... wala ka pa ring karapatang ipahuli o ipapatay si Nathalie sa araw pa ng kasal niya. Sa tingin ko planado mo na lahat ng mangyayari nu'n sa tulong ng The SON. "
" Pinaibig mo siya gamit ang bodyguard mo na narito pa pala ngayon sa Changwon. Napakagaling mo Luciana! Ilang beses kitang tinanong noon kung nasaan ang hayop mong bodyguard pero 'yun pala nasa bahay mo lang siya! " nanginginig sa galit si Eliziah habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi makasagot si Lucy dahil hindi nito inaasahan na malalaman ni Eliziah na narito pa sa Changwon si Henrik. " Kaya hindi na ako magtataka kung may koneksyon ka talaga sa The SON dati pa kaya malakas ang loob mong kalabanin kami. "
" Ms. Ellie, to-toong narito sa Changwon ang dati kong bodyguard... pe-pero 'yung tungkol sa The SON wala akong koneksyon sa kanila... ahhh... dahil kung meron man sana wala na kayo ngayon dito dahil matagal ko ng sinabi ang lihim ninyo. Siguro... ahhh... na-nagtataka ka kung paano o saan ko nalaman ang tungkol sa inyo? Si-sinabi 'yun ni Nathalie sa akin bago niya ako inihulog noon sa bangin... nang buong akala ni-niya ay napatay niya na ako... sinabi niyang hi-hindi kayo mga tao... na isa kang blood hag! " gumawa ng huwad na kuwento si Lucy tungkol sa kung paano niya nalaman na blood hag ang tatlong magkakaibigan.
" Hmm, it doesn't matter kahit malaman mo pa ang totoo about sakin o sa amin. Ang dapat mong pagtuunan ngayon ng pansin ay itong si Chelsea dahil bukod sa akin sa kanya ka mayroong napakalaking kasalanan, " napatingin si Eliziah sa dalagang papalapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...