CHAPTER 176 " MY DEAREST INTRUDER " PART 2

431 13 5
                                    

Nang makauwi sina Lucy at Resha sa Changwon ay nakipagkita sila kay Jenna sa isang restaurant. " Nand'yan na lahat ng kakailanganin mong information ng mga members ng organisasyon ni Ms. Ellie. "

" Thank you so much for this. Makakatulong ito ng malaki sa pinaplano ko laban sa kanya, " masayang tinignan ng dalaga ang nilalaman ng hawak nitong folder at pagkatapos nito ay inabot niya sa kanyang nagpapanggap na sekretarya.

Uminom ng wine si Jenna. " Tatapatin kita Lucy, nang magkausap kami ni Richard sinabi niya sa akin ang totoong dahilan kung bakit ka narito sa Changwon. Para sa iyong paghihiganti... "

Nag-iba naman ang itsura ng mukha ng dalaga. Hindi niya akalain na sasabihin ng taong pinaka-pinagkakatiwalaan niya ang tungkol sa dahilan ng pagbabalik niya sa Changwon. " Sinabi niya sa 'yo ang tungkol sa mga d' Ultima? "

Nakangiti nitong hinawakan ang isang kamay ni Lucy. " Yeah, he told me everything about your past. Kung ano ang nangyari sa pamilya mo at kung paano ka muling nakabangon. Well, I'm so proud of you. "

Siguro naman hindi sinabi ng lolo ni Lucy na ginawa nilang bampira ang apo niya. (Resha)

" Now you understand kung bakit gano'n na lang ako kaseryoso pagdating sa organisasyon niyo. I know, mapapabagsak ko sila ng tuluyan kapag marami na akong nalaman mula sa mga miyembro niyo. "

" Totoo naman iyon kaya lang kapag ginawa mo 'yan maeexpose ang mga bagay na tinatago namin sa organisayon kasama sa mga madadamay ang negosyo namin dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Totoo naman iyon kaya lang kapag ginawa mo 'yan maeexpose ang mga bagay na tinatago namin sa organisayon kasama sa mga madadamay ang negosyo namin dito. "

Patuloy sa pagkain si Lucy. " Pero hindi naman kayo katulad ni Eliziah na sakim at gahaman sa pera. Hindi naman kayo mapanglamang sa kapwa niyo. Huwag kang mag-aalala dahil magkakampi tayong dalawa. "

Napangisi si Jenna habang hinihiwa ang steak na nasa kanyang plato. " No one is perfect in this world. Let say na negosyante kami pero may mga bagay kaming ginagawa para mas magkapera. "

" I know kung ano ang tinutukoy mo Jenna. If you have an illegal business here bakit hindi mo ihinto ngayon pa lang. Maaari ngang ilegal ang ibang negosyo niyo pero hindi ba dahil nga iyon sa pagiging kaalyado niyo sa d' Ultima. Dahil sa kapangyarihan at impluwensiya nila kaya nagkakaroon ng gano'ng bagay dito sa Changwon. Puwede nating sabihin na sila ang may hawak nu'n at kayo lang ang nagmamanage, " uminom ng wine ang dalagang bampira.

" Hindi ko alam, handa naman akong managot sa batas kung sakaling kailangan kong pagbayaran iyon. Ang akin lang, paano kung ang ilan sa miyembro ng organisasyon ay hindi kumampi sa atin sa huli katulad na lamang nina General Min at Mayor Kang na mga tau-tauhan ni Ms. Ellie rito sa Changwon. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon