Malalim na ang gabi ngunit sadyang maliwanag pa rin ang lugar dahil sa buwan. Magkaharap na ngayon ang mag-ina na pinaglayo ng malagim na nakaraan. Hindi pa rin makasagot si Victoria sa kanyang anak dahil naghahalo ang takot at kaba na kanyang nararamdaman. Napalunok muna ito ng malalim bago niya tuluyang ibinigay ang naisip na kasagutan. " Pi-pinuntahan ko lang ang kaibigan ko. Dito kasi ang daan papunta sa kanila. "
Napatingin naman si Lucy sa kanyang paligid. Batid niya sa kanyang sarili na liblib ang lugar kung saan sila nakatira noon at iilan lamang ang kanilang mga naging kapit-bahay. " Sino naman ang kaibigan mo rito? " usisa niya na may kahalong pag-aalinlangan.
" Even if I tell you who she is. Alam kong hindi mo rin naman siya kilala, " aligagang tugon nito at nagpaalam na rin sa dalaga.
Sinundan naman siya ni Lucy sa kanyang paglalakad." Wait... sandali lang Victoria, " hinawakan niya ang isang braso ng babae.
" Bakit? "
" Nagmamadali ka yata. Are you avoiding me? "
Napangisi naman si Victoria. " Hmm, bakit naman kita iiwasan... "
" Dahil kitang-kita ko na nagmamadali kang makaalis dito ng makita mo ako. Are you hiding something? "
Hindi ako maaaring magkamali. Dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Natatakot ba siya? Kinakabahan? Bakit? (Lucy)
Hinugot ni Victoria ang kanyang braso na kasalukuyang hawak-hawak ni Lucy ng sandaling iyon. " Seriously? Do I need to explain myself to you kung bakit ako nagmamadali. Fine, masyado ng madilim sa daan at magmamaneho pa ako pauwi sa condo ko. "
Victoria, tatagan mo ang sarili mo. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang totoo. (Victoria)
" Okay. But tell me... why are you here? "
" Hindi ba kasasabi ko lang sa 'yo kung bakit ako narito. Alam mo, ako nga ang dapat na nagtatanong sa 'yo eh. What are you doing here Ms. Campbell? "
" Simple lang. Akin ang property na 'to. "
Napatingin naman ng saglit si Victoria sa lumang bahay na nasa kanyang likuran. " At alin naman dito? "
" Mula sa lupang inaapakan mo ngayon hanggang sa bahay na nakikita mo... it's all mine. Nabili ko na ang property na 'to, " mariing pahayag ni Lucy sa kanyang kausap.
Hindi makapaniwala si Victoria sa kanyang mga narinig. Matagal na siyang interesado sa bahay nilang iyon ngunit malaking palaisipan kung bakit hindi niya ito makuha-kuha dati pa. Doon niya napagtanto ang dahilan kung bakit hindi ito mapasakanya. Dahil sa kanyang anak na si Lucy. Unti-unting nawala ang kaba sa kanyang dibdib kasabay ng kanyang pagngiti. " To-totoo ba? " pumatak ang luha sa mga mata ni Victoria dahil sa kaligayahan na nadarama.
" Yes, akin na... " hindi pa man tuluyang natatapos magsalita si Lucy ay bigla siyang niyakap ng mahigpit ng babae. " Salamat... salamat... buong akala ko... nakuha na ng ibang tao ang lahat an... ma-maraming salamat. "
Hindi maipaliwanag ng dalagang bampira ang nararamdaman ng sandaling iyon. Napapikit na lamang siya habang nakayakap sa kanya si Victoria. Kasabay nito ay sumagi sa kanyang isipan ang masasayang alaala nila ng kanyang namayapang ina. May mga pangyayari siyang hindi maintindihan sa kanyang mga alaala. Ngunit alam niya sa kanyang sarili na mahal na mahal siya ng kanyang yumaong pamilya.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...