" 'Ma, naaawa ako kay Tita Debbie. She's getting worst. I don't know kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. "
" Kahit ako Felix naaawa na rin sa kapatid ko. Maybe she needs a special treatment. "
" What do you mean? "
" Naisip ko lang na siguro doon na lang muna siya sa America magpagaling. Doon mas advance ang medication kasi kung dito siya sa Changwon. Malalaman ng mga tao ang nangyayari sa kanya. Ayaw kong madamay pa siya sa pinagdadaanan ng ating pamilya hmm... " tumulo ang luha sa mga mata ni Eliziah habang nakatingin sa kapatid na natutulog.
Niyakap ng binata ang kanyang ina. " She needs us... for now tayo muna ang dapat niyang makita. Mas magandang mag-stay muna siya rito sa mansyon. "
" Huhuhu! Hanggang kailan? Mahal na mahal ni Debbie ang pagtuturo. Bata pa lamang siya pangarap niya nang makapagturo. Isa pa, sino ang mag-aalaga o titingin sa kanya kapag wala ako rito huhuhu! "
" Ako, igigive-up ko na ang pagiging player ko sa basketball team. Ako na lang ang titingin sa kanya after ng klase ko. Saka puwede naman tayong kumuha ng private nurse for her. "
*****
" Mandy, pakisabi kay Manang Carol na pupunta ako kay Resha ngayon. Isarado niyong mabuti ang pintuan at mga bintana, " bilin ni Lucy sa kanyang katulong.
" Masusunod po Ms. Lucy, mag-ingat po kayo, " binuksan ni Mandy ang maindoor para sa kanyang amo.
Nang mapatingin si Lucy sa labas ay nagtaka ito sa kanyang nakita. Isang babaeng nakapustura na may hawak-hawak na isang boteng alak. " Hello, Luciana. "
" Na-Nathalie... "
" Hindi mo ba ako papasukin? " nakangising tanong nito.
" Sino po siya Ms. Lucy? " natanong ni Mandy sa kanyang amo.
Ngumiti naman si Lucy at sinagot ang katulong. " Isang unexpected visitor... pasok ka Nathalie d' Ultima. " Namangha si Nathalie sa disenyo ng mansyon ni Lucy. Hindi niya akalain na ganoon kagara ang mga kagamitan nito. Inilibot niya ang kanyang tingin habang dahan-dahang naglalakad papasok. " Wonderful... ang ganda ng designs, " sabi nito.
" Doon tayo sa sala, " saad ni Lucy kay Nathalie.
Sa dami-dami nang puwedeng maging bisita. Ito pang lintik na 'to ang pupunta. (Lucy)
Matapos maisara ni Mandy ang maindoor ay nagtungo agad ito sa kusina. " Manang Carol, may bisita po si Ms. Lucy, " saad nito sa matandang katulong na abala sa paglilinis.
" Ha? Nagbalik na ba si Henrik? "
Napakamot naman sa ulo ang dalagang katulong. " Very wrong, Nathalie d' Ultima raw po. "
Napahinto ang matanda sa ginagawa. " Ano kamo? d' Ultima? Don't tell me ito 'yung kapatid nu'ng Felix d' Ultima. "
Napaupo si Mandy at sinumulang itirintas ang kanyang buhok. " Malay ko, basta d' Ultima... I don't care. Duh! "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...