" Hija, kamusta na ang kalagayan mo? " sabi ng matandang lalaki matapos humigop ng kape.
" Okay lang po ako Maestro. "
" Wala ka ba'ng ibang nararamdaman o napapansin after niyong maglaban ni Jerson kahapon? "
" Wala naman po... kaya lang minsan parang hindi ko makontrol ang galit na nararamdaman ko. Feeling ko sasabog ako at gusto kong gawin ang lahat ng maiisip ko. "
" Kaya ba pati ako ay inatake mo rin? "
" Sorry po sa nangyaring iyon Maestro. Hindi ko alam na pati kayo ay nasaktan ko. Maybe I need to practice again kung pa'no kontrolin ang anger ko tulad ng mga itinuro sa akin ni Henrik noon. "
" Mabuti kung gano'n, ang sabi sa akin ni Jerson napansin niyang kakaiba ka sa lahat ng mga vampire na nakilala niya. "
" Oo nga po eh, marami na pala siyang karanasan sa pakikipaglaban. Alam din niya kung anu-ano ang iba't ibang uri ng mga vampire. "
" Kaya mas lalu siyang nagiging interested sa 'yo. Don't worry mabuting tao si Jerson. Kung makulitan ka man sa kanya malamang dala lang iyon ng curiosity niya. "
" Speaking of curiosity, kilala niyo po ba 'yung witch na gumawa ng ritwal sa akin noon. Alam niyo po ba ang pangalan niya Maestro? "
" If I'm not mistaken, isang beses niya lang sinabi sa akin ang name niya. Actually, first letter lang ang binanggit niya. "
" Ha? Ba-bakit hindi niya sinasabi ang name niya? "
" Hindi na raw kasi mahalaga 'yun. Ayaw niya ng maraming katanungan. Ang importante raw ay matulungan ka niya lalu sa paghihiganti mo. "
" Gano'n po ba? So, ano'ng letter po ang sinabi niya sa inyo? "
" M... "
" M? "
Hinawakan ni Maestro ang kamay ng dalaga. " Yeah, Lucy, laging mong iisipin na nandito lang ako para tulungan ka. H'wag mo'ng pababayaan ang sarili mo hija. Ginawa kitang vampire upang maging malakas ka upang makamit ang hustisya na minimithi mo. Sana lang gamitin mo sa tama ang lahat ng kapangyarihan na mayroon ka ngayon. "
Ngumiti si Lucy sa matanda. " Maestro, wala kayong dapat ipangamba dahil ginagamit ko ito sa mga halimaw na nakakalaban ko. Isa pa, gusto kong ibahin ang tingin ng mga tao sa mga vampire. Siguro naman hindi lahat ng vampire sa mundo ay masasama at pumapatay ng walang dahilan. "
" Mahirap 'yang gusto mo'ng mangyari. Mahirap ibahin ang paniniwala ng nakakarami tungkol sa mga vampire. "
" Puwes, gagawin ko iyon Maestro ipapakita ko sa kanila na hindi lahat ng vampire ay kampon ng kadiliman. Tulad ko, naging vampire ako nang dahil sa isang ritwal. "
" Anyway, bukas na ang flight mo pabalik sa Changwon. Wala ka ba'ng balak mamasyal muna rito sa Seoul after ng conference mamaya? "
Maestro, uunahin ko pa ba 'yan. Kung alam mo lang na gustong-gusto ko nang umuwi sa Changwon dahil nag-aalala na ako kay Manang Carol. (Lucy)
*****
" Doc, ano po ba'ng nangyayari sa sugat ni Manang Carol? "
" Actually, pinag-aaralan ko pa ang mga dugong nakuha ko sa malaking kalmot niya. Nagtataka lang ako dahil imbes na maghilom ito ay mas lumalaki at mas nabubulok na. "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...