CHAPTER 146 " SEALED LIPS "

1.3K 54 7
                                    

" Sigurado ka ba Vivian na doon sa gate na 'yon mo laging nakikita si Mr. Nam na may kausap? " ani Adrian habang nagtatago sila ni Vivian sa isang pader ng convenience store.

" Oo Adrian, mga ganitong oras ko siyang nakikita roon. Tignan mo, ayan na siya... mukhang hinihintay niya na 'yung van, " itinuro nito sa binata ang instructor nilang kalalabas lang ng gate. Ilang saglit lang ay dumating ang isang van at huminto sa tapat ng kanilang instructor.

Napatingin sa dakong itaas ng gate si Adrian. Wala siyang nakikitang CCTV doon kung kaya't nangyayari ang pagkikita ng kanilang instructor sa isang van. Bumukas ang mga car window ng sasakyan at nakita ng dalawang estudyante ang mga nakasakay dito. Apat na tao kasama ang driver nito. Ngunit hindi masilayan ng dalawa ang mukha ng mga ito dahil sa hood na suot. Itim na robe at isang kakaibang logo ang nakaburda sa bandang noo ng hood. " See, ang weird 'di ba? Sino kaya ang mga 'yan Adrian? " pabulong nitong sambit sa binata habang nagtatago sa likuran.

Ganyan ang itsura ng taong nakalaban ko noong umatake ang halimaw sa Pre-Valentines Party namin. Hindi kaya isa sa mga taong 'yun ang halimaw? (Adrian)

Samantala matapos buksan ng mga taong nakasuot ng black robe ang bintana ng sasakyan. " Kamusta na ang plano mo Eriol? "

" Malapit ko nang makumbinsi ang bunsong anak ng mga d' Ultima... " nakangising sagot nito.

" Mainam kung gano'n, hindi na tayo mahihirapan pa'ng pabagsakin sila. "

" Kailangan ko pa ng kaunting panahon para manipulahin ng tuluyan ang isip ni Felix d' Ultima. Hindi magtatagal, siya mismo ang gagawa ng daan para makapasok ako sa kanila. "

Nagsalita ang isang may edad na babae na nakasuot din ng black robe. " H'wag kang masyadong excited na pasukin ang lungga nila. Tandaan mo na hindi sila mga normal na tao. Bukod sa impluwensiyang mayroon sila ay tinataglay nila ang isang kakaibang dugo rito sa mundo. "

" Salamat sa paalala ngunit hindi ako natatakot sa kanila... " inilahad ni Eriol ang kanyang isang kamay at lumabas ang kakaibang mahika na kulay itim. " dahil nasa akin naman ang itim na mahika na maaaring tumapos sa kanila. "

" H'wag mo'ng ilabas yan dito Eriol baka may makakita sa 'yo. Alalahanin mo na hindi lahat ng nasa loob ng university na 'yan ay tao. "

Tiniklop ni Eriol ang kamay nito kasabay nang paglaho ng itim na usok. " Alam ko... pero alam ko na ang gagawin sa kanila. Basta ang kailangan kong unahin ay 'yung tiyahin ni Felix d' Ultima. Siya ang gagamitin natin para mabunyag ang isang krimen na itinatago ng d' Ultima at siya ang magpapatunay na halimaw ang pamilya ng kapatid niya. "

" Adrian, tara na... mukhang tapos na silang mag-usap, " tinapik ni Vivian ang balikat ng binata. " Nakita mo ba Vivian 'yung nasa kamay ni Mr. Nam? " anito matapos umayos ng tayo.

" Ha? Hindi. Bakit, ano ba 'yun Adrian? " napakamot ulo si Vivian.

I'm sure isang mahika 'yun katulad ng taong nakalaban ko noon sa Pre-Valentines Party namin. Hindi kaya kasapi si Mr. Nam ng isang grupo. Hindi kaya siya 'yung nakalaban ko ng gabing iyon? (Adrian)

" Uyy. "

" Wala, baka namalik-mata lang ako. Tara na Vivian. "

*****

" Resha, sigurado ka ba na hindi ka na magpapahatid sa inyo? " sabi ni Lucy sa kaibigan.

" Hindi na Lucy, kaya ko naman ang sarili ko, "  nakangiting sagot ni Resha.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon