Nagpunta si Eliziah sa rooftop ng kanilang slaughter house. Nakita niya ang dalawang taong nakatali ang mga kamay at paa sa upuan. Nakapiring ang mga mata at may busal ang bibig." Ms. Ellie, tulad po ng iniutos niyo sa akin kanina. Dinala ko na rito ang dalawang babae na nakita niyo sa simbahan. "
Nakangisi itong pinagmamasdan ang dalawa. " Good, wala ba'ng nakakita sa ginawa niyong pagdakip sa kanila? "
" Wala po, malinis po ang ginawa namin. Malapit lang pala ang bahay nila sa simbahan. Base sa itsura ng kanilang bahay ay simple lamang ang pamumuhay ng dalawang iyan . "
Inuutos nitong tanggalin ang nakapiring na tela sa mga mata ng dalawang babae gayundin ang busal nito sa bibig. Agad naghuhumiyaw ang dalawa sa pag-iyak at paghingi ng tulong. Nilapitan ni Eliziah ang dalawa at masayang pinagmasdan ang mga itsura nito. " Kamusta? "
" I-Ikaw? Hayop ka!!! Pakawalan mo kami rito!!! Huhuhu!!! "
" Tulong!!! Tulungan niyo kami!!! Huhuhu!!! "
" Alam niyo kahit anong gawin niyo walang makakarinig sa inyo rito. Special ang lugar na ito kaya dapat maging proud kayo hahaha! "
" Si-sin-nasabi ko na nga ba hmm... napakasama mo ta-talaga huhuhu!!! Mga hayop kayong d' Ultimaaa!!! "
" Pakawalan mo kami rito... a-ano ba'ng gi-ginawa namin huhuhu para ipadukot mo kam-mi!!! "
" Hmm, ang bilis niyo naman yatang nakalimot... " nagpalakad-lakad si Eliziah habang nakangising sinasabi ang dahilan kung bakit niya ipinadukot ang dalawa. " Halimaw ako 'di ba? Puwes, ipapakita ko sa inyo kung ano ang mga sinasabi niyo sa akin kanina sa simbahan. " Agad nitong sinabunutan ang isang babae. " Lalu ka na, hindi-hindi ko malilimutan ang sinabi mong may sa demonyo kaming mga d' Ultima! "
" Ahhh!!! Bitawan mo ako!!! Huhuhu!!! Hindi ko pinagsisihan ang mga sinabi ko sa 'yo kanina dahil alam kong masasama kayong tao!!! " mariing pahayag ng babae habang nanlalaban sa pagsabunot sa kanyang buhok.
" Ang tapang mo ha, puwes tignan natin kung saan ka dadalin niyan. "
" Mrs. d' Ultima, ba-bakit mo ba sa amin ginagawa ito huhuhu!!! Ano ba'ng gusto mong mangyari hum-humingi kami ng tawad sa'yo? Gu-gusto mo bang lumuhod kami at magmakaawa. Ga-gaw-win nam-min huhuhu! Pakawalan mo lang kami... pleasseeee huhuhu! "
" Mare! Ano bang sinasabi mo!!! Huwag kang matakot sa halimaw na 'yan. Demonyo ang Eliziah d' Ultima na 'yan... "
" Ma-mare, ma-may pamilya tayo huhuhu! Ka-kailangan pa ako ng asawa at mga anak ko huhuhu!!! Mahal na mahal ko sila... "
" How funny, na magkumare kayong dalawa pero magkaiba kayo ng personality. Alam niyo kung saan kayo nagkatulad? Sa pagiging chismosa! At alam niyo ba kung ano ang mga ginagawa sa mga taong matatabil ang dila? Hahaha!!! " sumenyas si Eliziah sa tauhan nito. Ilang sandali lang ay nagdala ang lalaki ng isang stainless na tray. Nakalagay dito ang ilang gamit sa pagkukumpuni katulad ng martilyo, nose pliers, screwdriver, pako at iba pa. " Anong gusto niyong gamitin ko sa inyo rito. Ito? " Mas lalung naghuhumiyaw ang dalawa sa pag-iyak matapos nilang makita ang mga iyon.
" Ahhh!!! Ta-tama na huhuhu!!! Hi-hindi na kami uulit. Pa-pakawalan mo na kami rito Mrs. d' Ultima huhuhu!!! "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...