CHAPTER 189 " WOMEN OF THE YEAR " PART 2

279 16 5
                                    


" I guess wala na akong magagawa kung 'yan talaga ang gusto mo. Mamamatay ka... bago ang anak mo. Dalin niyo na 'yan sa towing truck! " singhal ni Eliziah kina Zatur at Chelsea na kasalukuyang nakahawak sa magkabilang braso ni Victoria.

" Sandali... huwag niyong gagawin 'yan... " awat naman ng dalagang bampira sa mga taong may hawak sa kanyang ina na naging dahilan upang mapahinto sila.

" Bakit Luciana hindi mo ba narinig ang sinabi niya... handang siyang mamatay para sa 'yo? " nakangising tanong ni Kashmir sa dalagang nakagapos sa bakal na krus.

Pinagmasdan ng dalaga ang lahat ng taong kanyang nakikita. Nagtatalo ang isip niya ng oras na iyon. Wala siyang magawa upang makaalis sa bakal na krus na kinasasadlakan ng kanyang nanghihinang katawan ng dahil sa pilak na gumagapos sa kanya. Alam niya na maaaring mawalan ng saysay ang lahat ng kanyang pinaghirapan laban sa mga d' Ultima kung sasabihin niya na ang tunay niyang relasyon kay Victoria. Masakit mang aminin na siya ay maaaring matalo sa labang kanyang sinimulan ngunit wala ng sasakit pa kung makikita ng kanyang mga mata ang papasaning hirap ng kanyang ina na halos ilang taon niyang hindi nakasama. " Ma-ma-magsasalita na a-ako... "

Nagkatinginan ang tatlong Blood Hag sa sinabing iyon ng kanilang bihag. Hindi naman makapaniwala si Victoria sa kanyang narinig mula sa kawawang anak.

Anong ginagawa niya... bakit hindi na lang niya hayaang mamatay ako ngayon at ipagpatuloy na lamang niya ang kanyang pagkukunwari na wala kaming kaugnayan sa isa't-isa. (Victoria)

" Sigurado ka ba d'yan Luciana? "

" Mukhang natauhan na ang kaibigan mo Ellie, " kantyaw naman ni Zatur.

" Sa-sabihin ko na ang gusto niyong malaman... huwag niyo lamang siyang idamay pa rito. "

" Who do you think you are para sabihin sa amin na huwag siyang idamay? Kalaban siya sa negosyo ng kaibigan ko and she is your real mother kaya walang dahilan para hindi siya madamay rito! " pahayag ni Kashmir habang papalapit sa taong nakagapos sa krus na bakal.

" Tama ka... " mahinahong ang pagsagot ni Lucy.

" What do you mean na tama ako... " napadako ang tingin ng blood hag kay Victoria. " Na nanay mo nga ang babaing ito? "

I need to do something para hindi nila malaman ang totoo kay Lucy. Sigurado akong kapag nalaman nila ang katotohanan ngayon pareho kaming mamamatay. Diyos ko, nagmamakaawa ako tulungan niyo kami ng anak ko. (Victoria)

" Sumagot ka! Nagpunta si Victoria Stacey sa'yo kagabi dahil nag-aalala siya sa kanyang anak... doon nalaman ng kaibigan ko na nanay mo nga si Victoria! "

Hindi kaagad nakakibo si Lucy ng sandaling iyon. Iniisip niya kung ano ang mga posibleng mangyari sa kanilang dalawa ni Victoria kung sakaling aminin niya na ang katotohanan sa kanilang mga kalaban. Batid niya na pareho lamang silang mapapahamak sa mga blood hag ngunit kung patuloy pa rin siyang magmamatigas ay hindi malayong mangyari na ipakaladkad sa towing truck ang kanyang ina. Nang makapagdesisyon si Lucy sa kanyang sasabibin ay bigla namang nagsalita ang isa pang bihag. " Totoo 'yun... " napatingin ang lahat kay Victoria.

Ina... (Lucy)

" To-totoong nagpunta nga ako sa bahay ni Lu-Luciana kagabi... "

" Sinasabi ko na nga ba! " marahas ang ginawang pagsabunot ni Eliziah kay Victoria. " Mga walang hiya kayo... pareho kayo ng anak mo... dapat sa inyo mamatay! "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon