CHAPTER 196 " SINNERS IN DISGUISE "

179 12 0
                                    

(CAMPBELL MANSION) 4:43 PM

Patuloy ang ginagawang pagkatok ni Mandy sa pintuan ng kuwarto ng kanyang among bampira. Simula pa kasi kahapon ay hindi na ito kumain at nagpakalango na lamang sa pag-inum ng wine. " Ms. Lucy... ayos lang po ba kayo? Ms. Lucy? Hindi niyo po kinain 'yung iniwan kong pagkain dito sa labas ng kuwarto niyo. "

Ilang sandali ay bumukas na ang pinto. " Ano ka ba... bakit ba ang ingay-ingay mo? " may hikab pa nito sa dulo.

" Pasensya na po, nag-aalala lang po ako sa inyo. Simula pa kahapon hindi na kasi kayo kumain... puro wine na lang ang gusto niyo. "

Napahawak sa ulo ang dalaga matapos ng mahabang paghikab. " Katulong lang naman kita dito kaya hindi ko kailangan ang concern mo. Ang mabuti pa igawa mo ako ng tsaa at dalin mo rito sa kuwarto ko. Bilis! " isinarado kaagad ni Kashmir ang pinto ng kanyang kuwarto.

Kasabay ng paglalakad ng blood hag ay hinihilot nito ang kanyang sentido. " Ahhh, ano'ng oras na ba, napahaba 'yata ang tulog ko... " pagkaupo sa kanyang kama ay madali niyang tinignan ang kanyang cellphone. Nakita niya na mayroong dalawang miscalled ang kanyang kaibigang si Eliziah at wala pa rin ang inaasahan niyang mensahe. " Hindi pa rin nagrereply si Chelsea sa text messages ko sa kanya. Hindi kaya nagsumbong na siya kay Elinor kaya niya ako tinatawagan? Pero kung nagsumbong na siya dapat sumugod na ang bruhang iyon dito para komprontahin ako. "

Sinubukan nitong tawagan ang numero ni Chelsea ngunit hindi nito sinasagot. Matapos ng paulit-ulit na ginawang pagtawag ay nag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ni Eliziah. " Finally, nakausap din kita! "

" Napatawag ka? Kung tungkol ito sa perang hinihingi mo sa akin. Wala pa ring binibigay ang lolo ni Luciana... " halatado sa mukha ni Kashmir ang pagkairita sa kausap.

" Napakahirap naman pa lang hingan ng pera ang lolo niya... kung sabagay mukhang hindi ko naman na kakailanganin iyon sa ngayon. "

" Ano'ng ibig mong sabihin? I thought you need a lot of money para ibigay kay Mary Ann. "

" Oo nga, pero huwag na muna nating pag-usapan ang tungkol d'yan. Napatawag ako para sabihin sa 'yo ang isang bagay na tiyak akong ikakagulat mo, " masaya nitong pahayag sa kaibigan na nasa kabilang linya.

" At ano naman 'yun? "

" Alam na ni Zatur kung nasaan ang aklat ng mahika ng sinaunang mangkukulam. "

Napakunot-noo naman ang blood hag sa kanyang narinig. " Ang ibig mong sabihin... totoo ang alamat ni Odeth. Totoo talaga ang aklat na iyon? "

" Yes. Kaya wala na akong magiging problema kapag nakuha na ni Zatur ang aklat na 'yun. Magagawa ko na ang lahat ng gustuhin ko... siguradong magiging makapangyarihan na ako hahaha! "

" Pe-pero... paano ka naman nakakasigurong totoo nga ang sinasabi ni Zatur? "

" Basta. Magtiwala ka na lang sa kaibigan natin. Sooner or later makukuha niya na 'yon. Hindi ko na kakailanganin pa ang kakarimpot na yaman na nakukuha ko kay Markus at maaari ko ng dispatsyahin ang kahit na sinong kumakalaban sa akin dito sa Changwon. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon