CHAPTER 194 " DIRTY LITTLE SECRET " PART 1

324 12 4
                                    

(D'ULTIMA SLAUGHTER HOUSE) 11:45 AM

Makalipas ang ilang araw matapos kumalat ng balitang hinahaluan ng laman ng tao ang produktong ibinebenta ng mga d' Ultima sa Changwon ay bumagsak ang kanilang sales kasabay ng ilan pang problema sa pinansyal ng kumpanya. " Our future ventures and expenses have been compromised. Dahil iyon sa mga nag-aatrasang investors at clients natin sa market, " pahayag ng chief of finance officer ng kumpanya ng mga d' Ultima.

" Why is this happening now!? Hindi na matapos tapos ang problema ko! " padabog nitong inilapag ang folder na kanina ay binabasa pa niya.

" Siguro dapat na nating ipaalam ito sa asawa ninyo... "

" No! " mariing pagtutol ni Eliziah sa kanyang kausap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" No! " mariing pagtutol ni Eliziah sa kanyang kausap. " Hindi niya dapat malaman ang tungkol dito and don't ever tell this to him. Maayos pa ang lahat dito sa slaughter house kaya I'm sure makakabangon pa tayo. "

" Ms. Ellie, you know already na hindi na rin naapprobahan ng mga bangko ang pending loans natin. Kapag wala tayong ginawa baka tuluyan na tayong bumagsak. Some of our shareholders ay malapit na kaibigan ni Mr. Markus kaya imposibleng hindi rin niya malaman ang nangyayari sa company ngayon. "

" Ahhh!!! " gigil na gigil si Eliziah sa kanyang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga nangyayari ngayon sa kumpanya. " Huwag mo ng ipamukha sa akin na para ba'ng wala ng pag-asa ang kumpanya. Gagawa ako ng paraan... kung kailangang magmaakaawa ako sa kanila na ilihim sa asawa ko ang nangyayari ngayon... gagawin ko. " Napahawak sa noo si Eliziah sa kanyang pagkadismaya. " I'm sure... there's someone behind everything that's happening to us right now. She or he wants to destroy our company! Siya ang may kagagawan ng kumakalat na fake news na 'yan ngayon. Gusto niya kaming sirain sa mga investors at mga kliyente natin. "

Pero sino... patay na si Victoria at imposibleng si Luciana. Sino pa ang puwedeng gumawa sa akin nito? (Eliziah)

Nang makalabas sa opisina ang lalaking kausap ni Eliziah ay mayroon itong tinawagan sa cellphone. " Nagawa ko na po. "

" Good, " tugon namang ng taong kausap sa kabilang linya.

-----

(ROYAL FLARE HOTEL AND CASINO) 1:17 PM

Sa opisina ni Jenna ay kasalukuyan nitong kausap ang pekeng Luciana. " Why are you doing this to your friend? Hindi na ba maganda ang pagkakaibigan ninyong dalawa. "

" I love to see her downfall. Like what you've said to me she needs more money at kapag wala na siyang makukuhaan nito siguradong lalagapak na siya. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon