" Nasaan si Debbie? " bungad ni Eliziah sa anak nitong lalaki na nakaupo sa isang bench malapit sa clinic ng Kyungshin National University.
" Nasa loob siya 'Ma, ayaw niyang makipag-usap gusto raw niya munang mapag-isa... " sagot ni Felix.
" De-Debbie... a-ano'ng nangyari sa 'yo? " hinawakan agad ni Eliziah ang kamay ng kapatid na nakahiga.
" Ate... gu-gusto ko ng mamatay... huhuhu " napaiyak na ito.
" Ano'ng sinasabi mo Debbie? H'wag ka'ng panghinaan ng loob... "
" Huhuhu! Ate sawang-sawa na ako sa buhay ko... ka-kahit ano'ng gawin natin huhuhu hindi na yata ako gagaling pa huhuhu... "
" 'Ma, may sakit ba si Tita Debbie? " tanong ng binata matapos nitong marinig ang sinabi ng kanyang tiyahin.
Pinahiran ni Eliziah ang luha nito at tumingin sa anak. " Felix, lumabas ka na muna... mag-uusap lang kami ng Tita mo... "
" Ano ba'ng sakit niya? Bakit hindi mo masabi sa akin 'Ma? "
" Hintayin mo na lang ako sa labas. Mamaya na tayo mag-usap Felix, " saad ni Eliziah at inihatid ang anak palabas ng silid.
Habang tumatagal hindi ko na maintindihan ang pamilya namin. Feeling ko marami silang hindi sinasabi sa akin. (Felix)
Ilang saglit lang ay nakita ng binata ang doktor sa clinic ng university. Agad niya itong nilapitan upang tanungin ang kalagayan ng kanyang tiyahin.
" Okay na si Ms. Debbie, masyado lang siyang stress kaya bumigay na ang kanyang katawan... "
" Doc, stress lang ba talaga si Tita kasi napansin daw ng mga estudyante nito na parang may nakikita siya na hindi naman daw nakikita? "
" What do you mean Mr. d' Ultima, may third-eye si Ms. Debbie? "
" I don't know, maybe gano'n na nga po. Saka parang may kakaiba sa kanya dahil galit na galit siya habang sinasakal ang sarili niya alam niyo 'yung parang sinasapian... " pahayag ni Felix sa doktor.
Ngumiti ang doktor sa binata." I'm a doctor, ang masasabi ko lang ay ang tungkol sa health condition ni Ms. Debbie. Kung talagang nangyari iyang sinasabi mo Mr. d' Ultima I think hindi ako ang dapat mo'ng tanungin. Excuse me, ichecheck ko muna siya ha, " nagpatuloy sa paglalakad ang doctor papasok sa clinic.
---
" Tinanong ka ba ng anak ko? "
" Opo, Ms. Ellie, sinasabi ng anak mo na maaaring may third-eye ang kapatid niyo, " sagot ng doctor matapos ineksyunan ng pampakalma si Debbie.
" Ano? "
" Sinabi pa nito na sinasapian si Ms. Debbie at sinasakal ang sarili. But don't worry po hindi ko sinabi sa anak niyo ang totoo tungkol sa sakit ng kapatid mo. "
" Thank you. Walang sinuman ang puwedeng makaalam ng lahat ng tungkol sa kalagayan ni Debbie, " napatingin si Eliziah sa kapatid na mahimbing nang natutulog. Matapos nito ay may kinuhang sobre si Eliziah sa kanyang handbag at iniabot sa doctor.
" Salamat po rito, Ms. Ellie, ang maipapayo ko lang po sa inyo ay kailangan niyang magpahinga. Siguro kailangan niya na munang magleave sa work and much better palaging mayroong makakausap, " ipinasok ng doktor ang sobre sa drawer ng table nito.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...