Kumatok si Eliziah sa pintuan ng bahay kung saan nakatira ang mga kaibigan nitong Blood Hag. " Napadalaw ka Elinor... " bungad ni Kashmir matapos nitong buksan ang pintuan.
" Kailangan ko ng tulong niyo ni Zatur. "
" Pumasok muna kayo. "
Nang makapasok ang dalawa sa loob. " Ano ba'ng klaseng bahay 'to Mama nakakahinga pa ba rito? " ani Nathalie habang pinagmamasdan ang kabuoan ng pinasok na bahay.
" Sino pala 'yang kasama mo? " tanong ni Kashmir kay Eliziah.
" Siya si Nathalie... 'yung anak ko. "
Napatingin ito sa dalaga. " Anak? Hahaha! Okay, siya siguro 'yung bastardang anak ni Markus d' Ultima. "
Agad sinakal ni Nathalie si Kashmir. " Maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo tanda... baka gusto mo'ng ibaon kita sa lupa, " nagpula ang mga mata nito.
" Bitawan mo siya Nathalie, " saad ni Eliziah sa dalaga.
" Oh, a-ano'ng nangyayari rito? " sabi ni Zatur na kakababa lang sa hagdanan.
" Ang babaing ito... hindi niya yata tanggap na isa siyang bastarda, " nakangising sagot ni Kashmir sa kaibigan.
" Hindi ako bastarda! Anak ako ni Markus d' Ultima! Isa pang sabihin mo 'yan hindi ako magdadalawang-isip na tagpasin ang leeg mo! " humigpit ang pagsakal nito sa matandang babae.
" I don't think so... ta-tatlo kam-ming Blood Hags di...to ahhh... " pilit na sagot ni Kashmir kay Nathalie.
Hinawakan ni Eliziah ang braso ng anak. " Tama na 'yan! Bitawan mo na siya Nathalie isipin mo kung bakit tayo nandito ngayon. "
Naging normal ang kulay ng mga mata ng dalaga at ibinaba ang kamay nitong nakasakal kay Kashmir. " Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, " pairap na sambit nito.
" Bakit ba kayo nandito Ellie? " sabi ni Zatur.
" Dahil dito... " iniabot nito ang isang paper bag sa lalaki. " Gusto kong tulungan niyo akong malaman kung konektado 'yan sa taong pinaghihinalaan ng anak ko. "
" Naagnas na ito ha... napakabaho naman ng pasalubong mo sa amin. "
" Hindi 'yan para sa inyo Zatur. Gusto naming malaman kung ang naaagnas na brasong iyan ay konektado sa isang taong pinagdududahan namin. "
Patuloy sa paghimas ng leeg si Kashmir. " Mangkukulam tayo hindi tayo manghuhula... paano namin malalaman ang gusto niyo gamit ang brasong 'yan. "
" Ang sabi sa akin ni Mama may alam kayong orasyon para matukoy kung may kinalaman ang mga bagay-bagay kung ito ay konektado sa isa't-isa, " mariing pahayag ni Nathalie.
Ibinalik ni Zatur ang naaagnas na braso sa loob ng paper bag. " Oo nga, pero dapat mayroon ka pang isang bagay na galing sa katawan ng taong pinaghihinalaan mo. Halimbawa ang brasong ito at ang dugo nu'ng taong pinaghihinalaan mo. "
Napatingin si Eliziah kay Nathalie. " Kung gano'n you need to get something kay Luciana. Kung talagang iniisip mo na si Lucy Hyun at Luciana ay iisa. "
" Don't worry, makakakuha rin ako niyan. "
" Nathalie, hindi mo puwedeng patayin si Luciana. Tandaan mo kakailanganin ko siya sa pagpapabango ng ating pangalan dito sa Changwon. "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...