CHAPTER 179 " I SMELL A RAT "

444 18 5
                                    

Kasalukuyang pinagmamasdan ni Resha ang lupa kung saan niya inihulog noon ang aklat ng mahika. " It's been three days simula ng maghiwalay tayong dalawa. Akala ko noong una hindi ko kayang mawala ka... " naalala nito ang mga nangyari nang magpakita si Odeth sa kanyang bahay. " But I think... mas maganda na rin ito. Maybe this is the right time para kalimutan ko ng isa akong mangkukulam. Pero paano ko pa matutulungan si Lucy kung hindi ko na gagamitin ang mga kakayahan ko bilang witch? " Napatingin ito sa kanyang dalawang kamay. " Hays, ano pang silbi ko?"

" Resha Kim... "

Napatingin sa kanyang likuran ang dalaga. " Henrik, wha-what are you doing here. Kanina ka pa ba d'yan? " nagtaka si Resha ng makita nito ang personal bodyguard ng kanyang matalik na kaibigan.

Umiling ang binata. " Nagulat ba kita? "

" Hindi naman, nagtaka lang ako na narito ka. Kamusta? " ngumiti ito sa kanyang kausap.

" Okay naman ako. Ikaw, are you alright? "

" Oo naman, bakit? "

" Hmm, tatapatin kita... pinapunta ako ni Ms. Lucy dito para alamin ang kalagayan mo. "

Nagsimula nang maglakad si Resha pabalik sa kanyang bahay kasama si Henrik. " Ayos naman ako. Wala siyang dapat ipangamba. "

" Hindi ka raw kasi sumasagot sa mga tawag at text niya. "

" Marami lang akong ginagawa. "

" May hindi ka ba sinasabi sa amin Resha? "

" Ha? "

" Iniiwasan mo ba si Ms. Lucy? "

Hindi kaagad nakasagot ang dalaga. " Hindi naman... madalas lang talaga kaming magkasama ng boyfriend ko at marami akong inaasikaso ngayong nalalapit na pasukan. "

Hinawakan ng binata ang braso ni Resha dahilan upang mapahinto ito sa ginagawang paglalakad. " You're lying. "

" Henrik... "

" I think may hindi ka sinasabi sa amin. "

" Yeah, I'm not a witch anymore. "

" What? Hindi kita maintindihan. "

Huminga ng malalim si Resha bago nagpaliwanag sa kanyang kausap. " Wala na akong kakayahan bilang mangkukulam. Kaya hindi ko na matutulungan pa si Lucy sa mga ginagawa niya... sa mga plano niya. "

" Pero paano nangyari 'yon? Kailan pa? " pagtatakang tanong ni Henrik.

I'm sorry kung kinakailangan kong magsinungaling sa inyo ni Lucy. Mabuti na ring ilihim ko ang nangyari sa akin nu'ng isang araw. Kung wala na sa akin ang aklat ng mahika at kung hindi ko na gagamitin pa ang mga spells na natutunan ko roon. Hindi na ako masasaniban pa ni Odeth. Mapuputol na ng tuluyan ang koneksyon naming dalawa. (Resha)

" Basta, bigla na lang nawala... " nagpatuloy muli sa paglalakad ang dalawa.

" Kaya ba iniiwasan mo ang kaibigan mo. Dahil iniisip mong wala ka ng magagawa para tulungan siya. "

" Parang gano'n na nga. "

***

Habang abala sa pakikipag-usap si Lucy sa mga matatandang binisita nila sa isang foundation. Napansin ng dalaga ang kanyang kaibigang si Eliziah na nilapitan ang isang matandang lalaki na nasa edad sisenta mahigit. " Kamusta na po 'Tay? Nabusog ba kayo sa kinain niyo? " nakangiting tanong nito sa matanda.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon