Unang araw ng magkasintahan bilang sophomore student sa Kyungshin National University. Marami silang napansing pagbabago ngunit hindi pa rin maiaalis ang ilang estudyanteng nambubully sa mga katulad nila na waring makinang sa mga mata nito. Habang naglalakad ang dalawa matapos kumain sa cafeteria ay nabitawan ni Resha ang bottled water na hawak nito. Gumulong iyon sa sahig hanggang sa bahagyang naapakan ng isang dalaga na sophomore student din sa ibang section. " Opps! Sorry, is that yours? " halatadong sinadya nitong tapakan ang bottled water habang nakangising nakatingin sa magkasintahan.
" Oo, nabitawan ko... " dinampot naman ito ni Resha sa sahig.
" Wait, 'di ba ikaw si Resha Kim? "
" Yeah. Bakit? "
Tinignan nito mula ulo hanggang paa ang dalaga bago muling nagsalita. " Hmm, I don't want to offend you but wala ba'ng upgrade na nagyari sa inyong dalawa ng boyfriend mo? I mean, hindi ba kayo nalulungkot d'yan sa mga itsura niyo. "
" What do you mean? "
Sumabat naman ang kaklase ng sophomore na kausap ni Resha. " Ang ibig sabihin ng kaibigan ko bakit parang komportable kayo na gan'yan kayo manamit? You know guys, it's so baduy! Tsk, why don't you try namang mag-upgrade tutal sophomores na tayo ngayon hahaha "
Sinasabi ko na nga ba parang sina Marie at Nicole ang dalawang ito. (Resha)
" Alam mo Miss, tama ka pero bakit hindi kaya 'yung make-up mo sa mukha ang i-upgrade mo muna nang sa gano'n magpantay hehehe " nakangiting sagot ni Resha.
" Resha, halika na... " pabulong na aya ni Adrian sa girlfriend nito. Batid niya na hindi maganda ang mga sasabihin pa ng dalawang sophomores na kausap ng kanyang nobya.
" Wow! Nawala lang ang BFF mong si Lucy kaya ngayon tumapang ka na? I'm impress. Alam mo hindi naman ako galit sa inyo pero nakakairita kasi na sophomore na kayo ngayon pero 'yung ayos niyo mukhang hindi pa rin nakakamove on hahaha "
" Right! Kaya hindi mo rin masisisi sila Chelsea Young kung bakit naiinis sila sa mga katulad niyo... " dagdag pa ng isang sophomore habang nakapamewang.
" Bakit, kayo na ba ang pumalit sa grupo nila? Kayo na ba ang panibagong sophomores na mambubully ngayon dito KNU? " nakangiting patutsada ni Adrian sa mga dalagang nasa harapan nila ng kanyang nobya.
" Duh! Hindi naman kami nambubully dito at wala kaming balak palitan sila. Sirang-sira na ang record nila rito sa KNU. After all, kulang na sila ng isa at wala na rin si Ms. Debbie na tagapagtanggol ng mga katulad niyo kaya nonsense pang pag-aksayahan kayo ng panahon. You know... walang thrill hahaha "
" Iyon naman pala eh. Bakit hinaharangan niyo kami ngayon ng boyfriend ko kung nonsense pala kami. Bakit? Nagpifeeling kayong malakas para katakutan? Hahaha! Well, it's a big no! Hindi kami matatakot sa katulad niyo. Excuse me... " nagpatuloy na sa paglalakad ang magkasintahan matapos banggain ang isang dalaga.
" Hoy Resha Kim! Iba ka na ngayon ha. Hindi ba sidekick slash anino ka lang naman ni Lucy Hyun dati. Kung makasagot ka na akala mo naman nanggaling ka sa alta sociedad na pamilya. Without Lucy Hyun you're nothing! Wala kang pinagkaiba sa mga katulong hahaha! "
" Hahaha! Feeling malakas si girl 'no eh sagot lang naman pala ni Lucy Hyun lahat ng sinusuot niya sa event dito noon hahaha "
Napahinto naman sa paglalakad ang dalaga matapos marinig ang sinabing iyon ng isang sophomore. Agad naman siyang hinawakan ni Adrian sa braso. " Huwag mo na silang patulan Resha. We both know na hindi naman totoo ang mga sinasabi nila. "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...