" Adrian, kamusta na pala ang Tita Victoria mo?" ani ng dalaga habang naglalakad at kumakain ng isang hotdog sandwich.
"She's okay, ang alam ko nagpunta siya ngayon sa Home of Arshey, " tugon nito habang kumakain ng cookies.
"Siguro, nag-aalala rin siya sa kaligtasan ng mga taong nandoon."
"Gano'n na nga..."
"Resha Kim, " sambit ng isang tao mula sa kanilang likuran.
Napalingon ang dalaga sa likuran nito. " Mr. Eriol? A-ano'ng ginagawa niyo rito? " nakangiting tanong nito sa kanilang instructor.
Nilapitan ni Eriol ang dalawa. "Ah, papunta na sana ako sa bookstore dito sa loob ng mall kaya lang bigla kitang napansin. Kasama mo pala ang boyfriend mo? Hehehe! "
" Nanood kami ng sine, " saad ni Adrian na halatadong hindi masaya sa taong kausap ng kanyang girlfriend.
" I see..."
" May pasok pa rin ba kayo sa KNU?" natanong ng dalaga.
" Wala na, pero nagpupunta pa rin ako minsan kapag nandoon si Mr. Yung..."
Biglang nagsalita si Adrian. " Kamusta na po 'yung ipinaglalaban niyo rito sa ating bayan. Hindi ba miyembro kayo ng The SON na sumunog kay Nathalie d' Ultima?"
" Ayun, patuloy pa rin kami sa aming layunin. Pilit nilang itinatanggi sa taong-bayan na halimaw si Nathalie d' Ultima pero alam natin ang totoo. May mga halimaw talaga sa bayan nating ito na nagpapanggap lang bilang normal na tao, " nakangising tugon nito kay Adrian.
" Naniniwala ako sa 'yo Mr. Eriol, tulad nang nangyari noon sa Pre-Valentines Party natin sa KNU. Hindi pa rin nahuhuli kung sino o ano'ng klaseng halimaw ang pumatay kina Marie Song at sa isa pang sophomore na lalaki. "
" Kaya hindi kami titigil sa pagtugis sa mga halimaw na 'yan. Alam niyo bakit hindi kaya magcoffee muna tayo. Mas maganda kasing makipagkuwentuhan habang umiinom ng mainit na kape, " sabi ni Eriol sa magkasintahan.
" May pupuntahan pa kasi kami ni Resha kaya salamat na lang... " agarang tanggi ni Adrian at biglang hinawakan ang braso ng dalaga. " Halika ka na Resha... "
Naunawaan naman kaagad ng dalaga ang ibig-sabihin ng kanyang kasintahan. Alam nitong hindi gusto ni Adrian ang kanilang instructor. " Pa-pasensya na Mr. Eriol. Sa ibang araw na lang siguro, " may ngiting paalam nito.
" It's okay, I understand. Wait, puwede ba'ng makahingi ng favor?"
" Ano'ng favor?"
" Balita ko kasi mahilig si Adrian magbasa ng mga stories and novels. I'am right?"
" Yes, mahilig akong magbasa. Bakit?"
" May gusto kasi akong basahin. Actually, iyun talaga ang purpose ng pagpunta ko ngayon sa bookstore. Baka naman nabasa mo na 'yung book na THE SECRETS OF KITSUNE?" masayang pinagmamasdan ni Eriol ang mukha ni Adrian.
" The secrets of Kitsune? Adrian, may nabasa ka na ba'ng gano'n before?" ani Resha sa katabi.
Nag-iba ang mood ng binata. " Wa-wala... ta-tara na Resha Kim, " hinila nito kaagad ang braso ng dalaga at nagmadaling maglakad.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...