(KINAUMAGAHAN) 9:13 am
Habang kumakain ng kanyang almusal si Lucy ay tinignan nito sa kanyang cellphone ang naging resulta ng online voting para sa Woman of the Year. Hindi na sana siya magtataka kung bakit nadagdagan ang kanyang boto ngunit sadyang napalaki ng bilang ng dumagdag sa pangalan niya. " Seriously? Dumaan ang gabi at naging 38,136 na kaagad ang boto ko. Hindi ko inaasahan na ganito kaseryoso si Ms. Ellie na manalo ako sa event."
" Excuse me po Ms. Lucy aalis na po ako para maggo-grocerry, " paalam ni Mandy sa kanyang among bampira.
" Sige, mag-iingat ka. "
Nang matapos kumain ng almusal ang dalaga ay tinawagan nito si Eliziah. Kinamusta niya ang kaibigan at tinanong kung kailan nila isasagawa ang pagbisita sa mga charitable institutions na tinutulungan nila sa Changwon. " I'm very sorry Luciana kung hindi na muna kita masasamahan. May inaasikaso kasi ako para sa slaughter house."
" Gano'n po ba, kung gano'n ako na lang muna ang bibisita sa kanila. "
" Wait, have you seen already the results of online voting? "
" Yes, and till now si Victoria Stacey pa rin ang nangunguna sa botohan. I think siya na talaga ang mananalo sa Woman of the Year. "
" Nangunguna man siya ngayon but it doesn't mean na siya na kaagad ang mananalo. You know, I found out what she did here in Changwon. Nagpunta siya sa iba't-ibang foundation upang mamigay ng mga low quality products niya. How desperate move para sa isang baguhan na katulad niya, " halatado sa boses ni Eliziah na naiinis ito sa mga nangyayari.
" Hmm, kaya naman po pala gano'n karami ang bumoboto sa kanya. "
" But don't worry dahil naextend ang Woman of the Year ng isang linggo. I'm pretty sure na ikaw ang mananalo. "
Napangisi naman si Lucy nang marinig iyon mula sa kanyang kausap. " Sana nga po dahil nakakahiya naman sa inyo kung mabibigo ko kayo. Ngayon pa lang nagpapasalamat na po ako sa patuloy niyong pagtitiwala at ginagawang pagsuporta sa akin para sa Woman of the Year. " tila nanamlay ang boses NG dalaga. " I'm very sorry Ms. Ellie kung nadissapoint ko kayo. "
" What? Anong sinasabi mo hija? You are my friend... that's why sinusuportahan kita. "
" Yeah I know, bigla ko lang pong naisip baka nawawalan na kayo ng gana sa akin dahil sa nakukuha kong mababang boto. "
Napatawa naman si Eliziah sa sinasabing iyon ng taong nasa kabilang linya. " Luciana, come 'on! Let me guess, iniisip mo bang iniiwasan na kita dahil mababa ang nakukuha mong boto mula sa mga tao. Hija, talagang busy lang ako sa negosyo pero sinisugarado ko sa 'yo na tataas pa yang boto mo lalu't na move ni Mayor Kang ang coronation next week. I'll make sure that everything will be okay. "
" Really? "
" Of course! "
" That's nice to know na naniniwala pa rin kayo sa akin... naniniwala pa rin kayong mananalo ako sa laban na 'to, " masayang sagot ni Lucy sa kaibigan.
" Basta balitaan mo na lang ako sa mga balak mong gawin. Kung kailangan mong mamahagi ng produkto natin tulad ng ginawa ni Victoria Stacey. Just tell me. Okay? "
" Sige po Ms. Ellie, I'll do everything para maging deserving ako sa koronang ipapamana mo."
" That's the spirit Luciana! Huwag kang panghinaan ng loob because you will be the princess of this town." Matapos makipag-usap ni Eliziah sa kanyang kaibigan ay nagpunta siya sa bathroom ng kanyang silid para magshower. Hinubad niya ng bahagya ang suot na bathrobe habang nakaharap sa malaking salamin. Pinagmasdan niya ang mga sugat sa kanyang katawan na ginawa ni Chelsea sa kanya noong isang gabing ipadakip siya nito. " Kung hindi lang sa mga sugat na ginawa ng taong ibon na 'yun magagawa na sana namin ni Luciana ang mga binabalak namin ngayon." Tinanggal nito ang mga bendahe sa kanyang balikat gayundin sa kanyang tiyan. Kitang-kita niya ang lalim ng sugat mula sa kuko ng taong-ibon na kanyang nakaharap. " Walang sinuman ang puwedeng makaalam ng mga sugat kung ito. Hindi nila puwedeng makita na naging mahina ako. Lalung-lalo na ang mga taong kumakalaban sa akin ng palihim. Ako si Eliziah d' Ultima na isang reyna sa bayan na ito ay dapat na palaging malakas... makapangyarihan at sinasamba para patuloy na kinakatakutan, " nakangising saad nito habang nakatingin sa malaking salamin.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...