Napapanood sa telebisyon ang kasalukuyang ginagawang pagsunog sa katawan ni Nathalie d' Ultima sa plaza. Patuloy pa rin ang grupong THE SON sa kanilang pagbibigay kumento tungkol sa mga nangyari.
" Ikinalulungkot ko Ms. Ellie, wala kaming nagawa para pigilan sila... " saad ni General Min sa cellphone.
Agad ibinato ni Eliziah ang hawak niyang cellphone. " Hindiii!!! Nathalie!!! Huhuhu! Pinatay nila si Nathalie huhuhu!!! " napaluhod ito sa sahig habang humahagulgol.
Hinimas-himas naman ni Kashmir ang likuran ng kanyang kaibigan. " Elinor, kailangan mong magpakatatag... "
" Paano huhuhu... pinatay nila ang anak ko Kashmir huhuhu! Ahhh!!! "
Tumunog bigla ang cellphone sa sahig ni Eliziah. Dinampot naman ito ni Zatur at sinabi sa kaibigan nito kung sino ang tumatawag. " Ellie, tumatawag ang asawa mo. "
---
" Ms. Lucy, bakit hindi ka pa bumabalik sa sasakyan? " tanong ni Henrik nang makita nito ang kanyang amo. Nakatalikod itong nakaupo na abala sa kung anong ginagawa.
Humarap ang dalaga na may mga dugo sa katawan gayundin sa kanyang bibig. Hawak ang isang hayop na iniinuman ng dugo. " Henrik... "
" Napakarami mong sugat. Dala mo ba 'yung pangontrang ibinigay sa atin ni Jerson sa Chupacabra? " bakas ang pag-aalala sa mukha ni Henrik habang nilalapitan ang dalaga.
Binitawan ni Lucy ang hawak nitong kuneho. " Oo, pero hindi pa rin naghihilom ang mga malalalim kung sugat dahil sa kalmot ni Nathalie. Maybe I need some more para maghilom ito. "
Niyakap ng mahigpit ng binata ang kanyang among bampira. Hindi maintindihan ni Lucy kung anong ibig sabihin ng yakap na iyon. Pero bigla siyang napangiti nito hanggang sa napadako ang kanyang tingin sa leeg ni Henrik. Hindi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya. Parang may nag-uudyok sa kanyang kagatin ang leeg ng binata. " Henrik. "
" Nag-alala ako sa 'yo. Akala ko kung napano ka na, " sambit ng binata habang pinagmamasdan ang mukha ni Lucy.
Nagtama ang kanilang mga mata at unti-unting naglalapit ang mukha. Hinalikan ni Lucy ang labi ni Henrik. Hindi lang iyon simpleng halik dahil umabot ito ng limang segundo. Nabali lang ang eksena nang maramdaman ng binata ang kirot sa kanyang labi. " Aray... " napahinto sila sa ginagawa.
" So-sorry, hi-hindi ko sinasadya... " napaatras si Lucy ng ilang dipa.
Napahawak ang binata sa labi nito. " Kinagat mo ang lips ko. "
" Naisip ko kasing hindi ka magpapainom ng dugo kaya kinagat ko na lang ang lips mo. Sorry, I know mali ang ginawa ko, " namula ang pisngi ni Lucy habang nagpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...