" Miss, Lucy nabasa po yata kayo ng ulan. Kukuhaan ko po kayo ng damit pamalit, " bungad ng katulong matapos nitong mapansin ang itsura ng kanyang amo.
" Don't worry Mandy okay lang ako. Kamusta na si Manang Carol? "
" Sa ngayon po ay nagpapahinga na siya at bumaba na ang lagnat nito. "
" Mabuti naman, " nagpatuloy na sa paglakad ang dalaga.
Sumunod naman si Mandy sa kanyang amo. " Nga pala Ms. Lucy kanina po kasi tumawag 'yung tauhan niyo sa Seoul. Hindi raw kayo sumasagot sa mga tawag niya sa inyo. Kailangan niyo raw po'ng magpunta ngayon sa Seoul for business matters. "
Naglakad ito paakyat sa hagdan. " Sinabi ko na sa kanila nu'ng isang araw na gumawa sila ng paraan dahil hindi ako puwedeng umalis dito. Isa pa, may nangyayari ngayong hindi maganda kay Manang Carol. "
" Kailangan daw po talagang magpunta kayo roon. Sinabi rin daw po iyon ni Maestro sa kanila. "
Napahinto ang dalaga sa paglalakad at tumingin sa katulong na nakasunod sa kanya. " Iniisip ko lang Mandy kung iiwan ko kayo rito makakaya niyo ba. May halimaw na umatake rito sa mansyon tapos nasa masamang kalagayan pa si Manang Carol. "
" H'wag kayong mag-alala sa akin Ms. Lucy gagawin ko ang lahat para alagaan at protektahan si Manang Carol. "
Kinuha ni Lucy ang cellphone nito sa handbag. Hinanap niya ang pangalan ni Henrik upang tawagan. " Hindi na talaga nagriring ang phone ni Henrik. Bakit ngayon pa nangyayari ito... " may inis na sambit ng dalaga at muling ipinasok ang cellphone sa handbag.
" Nandito naman po si Romeo. Siguro siya na lang po ang makakasama ko sa pagbabantay sa mansyon niyo habang wala kayo. "
" Mapagkakatiwalaan ba talaga ang taong iyan. Baka kasi bigla siyang tumakas kapag hinayaan natin siya. "
" Hindi naman po siguro. "
Biglang nagring ang cellphone ni Lucy. Agad niya itong sinagot at kumaripas ng takbo papunta sa kanyang silid. " Hello po Maestro, napatawag kayo? "
" Lucy, katatapos lang namin mag-usap ng isa sa mga tauhan mo sa Seoul. Hindi ka raw sumasagot sa mga tawag niya. "
" Sorry po Maestro, bumisita lang ako sa puntod ng aking ama. "
" Okay, I understand. Kaya lang hija h'wag mo'ng kakalimutan na may negosyo ka rito sa Seoul. Alalahanin mo'ng sa 'yo ko ipinagkakatiwala ang Campbell Jewelries at ilan pa'ng mga negosyo ko rito. "
" Opo, pasensya na po talaga. Kukuha na ako ng ticket ngayon para makalipad na papunta d'yan. "
" Sige, bilinan mo ang dalawa mong maid na maging mapagmatyag sa kanilang paligid. "
" Opo, wala pa naman po si Henrik ngayon. Iniisip ko lang nasaan na ba ang lalaking iyon. Ang tagal niya na pog nawawala Maestro at nakapatay pa ang cellphone niya. May hihingin sana akong favor sa inyo... "
" Ano 'yun hija? "
" Puwede po ba pagbalik ko rito bigyan niyo muna ako ng tao na galing sa inyo habang wala lang po si Henrik. "
" Sige. "
" Salamat po Maestro. "
*****
" Bakit nandito ka sa terrace? Maaga pa masyado para uminom kang mag-isa, " ani Eliziah nang mapansin nito si Nathalie na nakatayo habang umiinom ng wine.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...