(KYUNGSHIN NATIONAL UNIVERSITY) 10:27 am
Kasalukuyang kumakain si Chelsea kasama ang kanyang kaibigan sa cafeteria ng university. Nakuwento nito kay Nicole ang tungkol sa kanyang ina na lilipad papuntang America sa makalawa. " I'm happy for you Chels! Finally, nagkaroon na rin kayo ng closure ni Tita Mary Ann. Anyway, sure ka na ba na hindi ka sasama sa kanya? "
" Yeah, nakapag-usap naman na kami ni Mama about d'yan. Pumayag naman siyang maiwan ako rito. "
" Talaga ba!? Edi hindi ako malulungkot kasi magkasabay tayong gagraduate! Pero alam mo Sis mabuti na lang at di ka nagtanim ng galit sa Mama mo 'no kahit gano'n ang nangyari sa inyo... "
" Noong una aaminin ko... may tampo at galit akong nararamdaman sa kanya pero si Papa naman ang may kasalanan eh... kaya naiintindihan ko ang naging desisyon ni Mama... " nagdahilan na lamang si Chelsea para matapos na ang usapan tungkol sa kanyang kinikilalang ina. Simula ng malaman niya ang katotohanan sa kanyang tunay na ina ay nawala ang kanyang nararamdamang galit para kay Mary Ann. Patuloy ang ginagawang pagbabasa ni Chelsea ng text messages sa kanyang cellphone. Nakita niya ang 12 messages at 5 miscalls ni Kashmir sa kanya. Binasa niya na ang ilan doon na naglalaman ng paghingi nito ng tawad sa dalaga tungkol sa nangyari kahapon. Patuloy pa rin si Kashmir sa panunuyo sa kanya na makipagtulungan upang mapabagsak na ng tuluyan si Eliziah. Samantala, matapos ilapag ng dalaga ang hawak niyang cellphone sa lamesa ay napansin niya ang ilang sophomore students na nambubully ng freshman sa labas ng cafeteria. Bigla niyang naalala ang mga ginagawa nila noong magkakaibigan kina Lucy at Resha dahil sa inis na nararamdaman nila sa magkaibigan.
" Kung nandito si Lucy Hyun ngayon ipagtatanggol niya ang freshman na 'yan. "
" Ha? May sinasabi ka ba Sis? " kumakain si Nicole ng pizza habang tumitingin ng mga damit sa isang online shop sa hawak na cellphone.
" Tignan mo sila... parang tayo lang noon nila Marie 'di ba? " nakangiti nitong pinagmamasdan ang mga estudyante sa labas.
" Oo nga 'no. Pero 'di hamak naman na mas maganda tayo sa mga 'yan. Pasalamat sila wala na rin si Ms. Debbie rito sa KNU ngayon dahil kung hindi lagot sila. "
" Ngayong wala na si Lucy Hyun rito sa KNU wala ng maglalakas ang loob na ipagtanggol ang mga estudyanteng binu-bully. "
" Sis, tignan mo to oh... maganda ba 'tong dress? Ang ganda ng kulay ano... " ipinakita ni Nicole sa kaibigan ang picture na nasa online shopping website. " Saka 'yung pagkafloral niya maganda sa mata. Tama! Nakita mo ba 'yung pinost ko sa IG na shoes bagay na katerno nito 'di ba. What do you think? "
" Hindi siya papayag na... may inaapi... "
" Ano okay lang ba 'yung dress? "
Napakunot-noo naman ang dalaga ng mapansin niya na nakamasid pa rin si Chelsea sa mga estudyante sa labas ng cafeteria. " Sis, may sakit ka ba? " hinipo nito ang noo ng kaibigan na naging dahilan kung bakit ito napatingin sa kanya.
" Ha? "
" Anong ha? Tinatanong kita kung okay ba 'yung dress na gusto kong bilin. Ang dami ko ng sinasabi kanina pa pero na kay Lucy Hyun ka pa rin. Ano, maganda ba 'yung floral dress? "
" Ah sorry... ano ba 'yung sinasabi mo. "
" Kung maganda ba 'tong floral dress? "
" Maganda naman. "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampirON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...