" Maya, may tama ka... " saad ni Henrik sa kasama nitong dryadalis.
" Ayos lang ako Henrik h'wag mo akong isipin, " may hingal na sagot nito.
" Masyado silang marami kailangan natin silang linlangin... "
" Paano natin gagawin 'yun? "
" Kailangan natin silang taguan at humanap ng tiyempo para gumawa ng atake laban sa kanila, " tugon ng binata habang nakatingin sa mga alagad ng kanilang kalaban.
" Masyadong malaki ang mapaglarong kagubatan na ito. Isa pa mukhang malabo ang ating pag-asa na makatakas sa kanilang mga paningin, " napatingin na rin si Maya sa kanilang mga kalaban.
" Ano... suko na ba kayong dalawa!? Hindi niyo kakayanin ang mga alagad ko kaya mas mabuti pang sumuko na lamang kayo! Hahaha! " singhal ni Veldrin sa mga kalaban nito.
" Hinding-hindi kami susuko sa 'yo Veldrin dahil walang lugar ang katulad mo rito sa Alfeia! " ani Maya matapos nitong paghilomin ang kanyang sugat sa kanang balikat.
" Sino ka para sabihin 'yan sa akin!? "
" Tama siya Veldrin. Wala kang lugar dito sa Alfeia dahil wala kang puso... pinatay mo ang aking mga magulang pagkatapos ka nilang ituring na kanilang anak, " sabi ni Henrik at nagliwanag ang isang kamay nito.
" Walang maniniwala sa inyo mga hangal. Nakikita niyo ba ang mga dryadalis na alagad ko? Nasa ilalim sila ng isang mahika kaya ako na ang sinusunod nila ngayon. Ang kanilang tunay at nag-iisang hari ng Alfeia. Patayin ang mga 'yan! " nagbigay ng hudyat si Veldrin sa mga alagad nito.
" Ahhh!!! Ahhh!!! Ahhh!!! " muling dinumog ng mga dryadalis sina Henrik at Maya. Natalo man nila ang iba ngunit aminado silang malaki ang bilang ng hukbong kinakalaban nila ngayon.
Patuloy sa pakikipaglaban ang dalawang dryadalis. " Henrik, wala na tayong magagawa kundi saktan ang ating mga kalahi. Tuluyan nang nabilog ni Veldrin ang kanilang mga isipan. Bulag na sila sa katotohanan na ikaw na aming prinsipe ang kanilang kinakalaban, " sabi ni Maya habang nakikipaglaban.
" Sa tingin ko ay may magagawa pa ako. Kailangan ko lang talunin si Veldrin upang matigil na itong lahat. "
Patuloy ang pakikipaglaban ng dalawa sa kanilang mga kalaban. Naisipan nilang paghiwalayin ang pangkat ng mga alagad ni Veldrin. Naghiwalay sina Maya at Henrik upang sundan sila ng mga ito. Hindi man kabisado ng binata ang kasukalan ng mapaglarong kagubatan ng Miz 'Ah Calla ay sinubukan niyang gamitin ang matatayog nito mga puno upang kanyang mapagtaguan sa panlilinlang sa kanyang mga kalaban.
" Sumuko ka na Maya... wala na ang kasama mo... iniwan ka na niya hahaha! "
" Nagkakamali ka dahil hindi tayo iiwan ni Henrik. Gumising kayo! Mahabang panahon na ang lumipas na nilalason ni Veldrin ang isipan niyo. "
" Ikaw ang gumising dahil isa kang traydor sa ating pinakamamahal na panginoon! Ahhh!!! "
Henrik kung nasaan ka man ngayon mag-iingat ka. (Maya)
*****
" Ano'ng nangyari rito? " sambit ni Nathalie nang madatnan niya ang kanyang kapatid kasama si Debbie sa sala. Napansin niyang kino-comfort ng kanyang kapatid ang kanilang tiyahin.
Nagkatinginan naman ang magtiyahin. " Wa-wala, ma-may pinag-uusapan lang kami ni Tita, " sagot ni Felix.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...