CHAPTER 141 " ONCE UPON A TIME IN CHANGWON"

1.3K 62 11
                                    

" Maestro, bakit hanggang ngayon hindi pa rin po nagigising ang apo niyo? " saad ni Jerson kay Maestro na nakaupo sa silya malapit sa natutulog na si Lucy.

" Hindi ko rin alam Jerson. Maybe dahil iyon sa nangyari kanina sa inyo... "

" Ano naman po ang koneksyon nu'n sa hindi niya pag-gising? " pagtatakang tanong ng binata.

Nagbuntung-hininga ang matanda at napatingin sa dalagang mahimbing na natutulog. " Si Lucy ay hindi ordinaryong bampira. Iba siya sa kanyang uri. "

" Paano'ng iba? Hindi ba't lahat ng mga nagiging bampira ay dumaan na po sa kamatayan ng buhay nila? "

Tumingin si Maestro kay Jerson. " Pero hindi gano'n ang prosesong nangyari sa kanya. Si Lucy ay dumaan sa ritwal kung saan siya ginawang vampire. "

" Ritwal? A-ano'ng klaseng ritwal? "

" I don't know, basta isang witch ang nakilala ko noon at naikuwento ko sa kanya ang kalagayan ni Lucy. Sabi niya sa akin matutulungan niya ako na palakasin ang apo ko bilang isang bampira. "

" So you mean... hinayaan niyo po ito? "

" Gano'n na nga, till now iniisip ko kung naging tama ba ang desisyon ko na maging vampire si Lucy para sa kanyang paghihiganti sa mga taong pumatay sa kanyang pamilya noon. "

" I see, pero Maestro nakakapagtaka lang po dahil sa aking pagkakaalam ang mga bampira ay may mga pulang mata at pangil lamang. Pero si Ms. Lucy ay naging kakaiba kanina... para siyang halimaw na uhaw pumatay, " hindi komportableng pahayag ni Jerson sa kausap nito.

Napatayo ang matandang lalaki hawak ang baston nito. " Because that is her true form. Iyon ang tunay na anyo ni Lucy bilang vampire. The more na nagagalit at nasasaktan siya... the more na pinapakain niya ang puso niya kaya lumalakas siya. I think hindi niya pa tuluyang nakokontrol ang kanyang sarili kaya nagiging mabangis siya. "

" Tsk! Tsk! Tsk! Nakakaawa pala ang kalagayan niya. Alam po kaya niya ang posibleng mangyari sa kanya, " napatingin si Jerson kay Lucy.

Naglakad-lakad si Maestro habang nagsasalita ito. " Kaya nga ipinadala ko si Henrik noon sa Changwon para bantayan si Lucy. Alam kong maraming puwedeng mangyari sa apo ko matapos niyang maging vampire. Hindi ako makakapayag na sa pangalawang pagkakataon ay mamatayan pa akong muli Jerson, " tumingin ito ng seryoso sa binata.

" So, gano'n din po ba ang gagawin ko Maestro bilang substitute ni Henrik? "

" Yup, gusto ko rin sanang ireport mo sa akin lahat ng mga nangyayari sa mansyon ng aking apo. "

Ngumiti ang binata. " No problem, I'll do my best Maestro. "

Sa likod nang mahimbing na pagtulog ni Lucy ay kasalukuyan itong nanaginip. Hinahanap niya ang kanyang ama sa isang malawak at napakagandang hardin kung saan niya nakakausap noon ang kanyang ama sa panaginip. " Ama... nasaan ka Ama... miss na miss ko na kita... kayong lahat, " palingun-lingon ito sa paligid.

" Lucy... anak. "

" Ama! " masayang sambit nito at niyakap ng mahigpit ang kanyang ama.

" Lucy, kamusta ka na anak? " nakangiting tugon nito.

" A-ayos lang po ako Ama. Teka, nasaan po si Ina? Si Lola at Kuya? "

" Lucy, " isang tinig ng lalaki na naging dahilan upang mapalingon ang dalaga sa kanyang likuran.

" Ku-Kuya Lester? Ikaw ba 'yan? " pumatak ang luha sa mata ni Lucy na tila hindi makapaniwala sa nakikita.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon