Ilang araw ang lumipas ay nagtungo si Lucy sa Seoul kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Gusto niyang makita ni Resha kung saan siya nakatira noong kupkupin siya ng matandang lalaki na kung tawagin nitong Maestro. Hindi makapaniwala si Resha sa laki ng mansyon na kanyang nakikita. Para sa kanya ang mansyon na iyon ay katumbas ng limang pinagsama-samang malaking bahay ni Lucy sa Changwon. " Lu-Lucy, totoo ba talaga 'to? Di-dito ka talaga nakatira noon? " paikut-ikot ang tingin ng dalaga sa kanyang paligid.
Napangisi naman si Lucy. " Yes dito ako natira noon at kapag nandito ako sa Seoul dito rin ako tumutuloy. "
" Grabe! Sobrang laki nito! Napakadaming tauhan ng lolo mo. At kanina habang naglalakad tayo, napansin ko ang dami niyang maids dito at mga taong nagpapapractice sa labas... ano ba 'yun... makikipaglaban ba sila? "
" Hahaha! May mga misyon siguro ang mga iyon. Don't worry Resh, pinagdaanan ko rin 'yan noon dito. Basta, kapag nakita mo mamaya si Maestro ay huwag kang kakabahan ha. Medyo masungit 'yun at iba makatitig sa tao lalu na kapag first time niya pa lang nakita. "
" Oo, sige, saka suot ko naman itong Immunity Ring ni Henrik. Siguro naman 'di nila malalaman na witch ako. "
" Yeah, nga pala, makakasama natin si Jerson. "
" Si Jerson? Nandito siya ngayon? "
" Oo, wala yata siyang misyon kaya kinontak ko na siya. Kailangan natin siya para hindi ka usisain ng ibang tao rito. "
" Ah, okay, alam na nga pala niya ang tungkol sa atin. Pero nasaan na ba siya? "
" I 'm here! " masayang bati nito sa dalawa matapos buksan ang pintuan ng library ng mansyon.
" You're late, " nakataas ang isang kilay ni Lucy habang nakapamewang ito.
" Late? Baka ikaw ang late Ms. Lucy dahil kanina pa ako nandito sa mansyon. Wow! Sino ba 'tong kasama mo? Si Dora the explorer ba 'to? Hahaha! " biro ni Jerson ng makita ang itsura ng kasama ni Lucy.
" Ako to si Resha Kim. "
" I know! Joke lang 'yun. Kamusta kayo sa Changwon? "
" Ayos naman kami ni Lucy, " tugon ng dalaga.
" Great! Eh, si Henrik ano na ang nangyari sa kanya? "
" Sa iba na siya tumutuloy ngayon. After ng nangyari kay Nathalie d' Ultima I know kating-kati na si Eliziah na makaganti sa kanya, " pahayag ni Lucy.
" Aww, poor boy, pero okay 'yun ha. Nice one Ms. Lucy! At least nakamit na ni Manang Carol ang hustisya sa ginawa ng Chupacabra na 'yun. "
Tinapik ng dalaga ang balikat ni Jerson. " Hoy, may nabanggit ka ba kay Maestro about sa mga nangyari kay Manang Carol. "
Umiling ito. " Nothing, iniisip mo ba na hindi ako tutupad sa kasunduan natin? "
" Hindi naman sa gano'n, alam ko naman na lahat ng tao rito sa mansyon ay honest at masyadong loyal kay Maestro. Baka lang may nasabi ka... "
" Hay naku, ikaw na lang ang magsabi sa kanya ng tungkol doon. I know nagugutom na kayong dalawa tara at kumain na muna kayo, " aya nito sa dalawang dalaga.
" Wait, nasaan ba si Maestro? Kanina ko pa siya kinokontak pero 'di siya sumasagot? "
" Nandu'n siya sa Campbell Jewelries kausap ang ilang bisita niya. Kaya if I were you guys, maghanda na kayo dahil mamayang gabi na ang event. Saka, i-tour mo muna kaya 'tong si Resha Kim sa mansyon ng lolo mo. "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...