" Hi-Hindi ko po maipaliwanag kung bakit gusto kitang makita. Simula nang makita kita kanina para ba'ng may nauudyok sa akin na hanapin kita," sagot ng matandang babae na sinasakal ni Nathalie.
Naging normal ang kulay ng mga mata ng dalaga. " Ano ba'ng sinasabi mo tanda... h'wag mo'ng sabihin na isa ito sa mga strategy ng amo mo. "
" Walang kinalaman dito ang amo ko. "
" Really? Okay, bakit naging kulay pula ang mga mata mo. Tell me, isa ka rin ba'ng halimaw tulad ko? " patuloy na sinasakal ni Nathalie ang leeg ng kausap nito.
" Ha-halimaw? "
" Siguro naman nakikita mo ang mga pakpak ko. "
Pinilit nitong ngumiti sa dalaga. " Oo, nakita kong muli ang mga pakpak mo. Ngayon alam ko na ang totoo. Ikaw 'yung halimaw na umatake sa akin noon sa mansyon. "
" So, ikaw pala 'yung maid ni Luciana na muntik ko nang patayin... " biglang humaba ang mga kuko sa kamay ni Nathalie at tinangka nitong tagpasin ang leeg ni Manang Carol. " Puwes, tutuluyan na kita ngayon. Ahhh! "
Agad nasalag ni Manang Carol ang kamay ng dalaga. Nag-iba ang itsura ng mga braso ng matandang babae. Waring naging braso ito ng isang halimaw na katulad ng kay Nathalie. " Hindi ako nagpunta rito upang makipaglaban sa 'yo... " pula na muli ang mga mata nito.
Nasalag niya ang kamay ko nang gano'ng kadali? Paano niya nagawa 'yun? (Nathalie)
Lumabas ang dalawang mahabang pakpak ni Nathalie at agad inihampas kay Manang Carol dahilan upang tumalsik ito at mapagulong sa lupa. " Hindi ko alam kung ano'ng klaseng halimaw ka... pero ipapakita ko sa 'yo kung ano ang kaya kong gawin. "
Bahagyang bumangon ang matandang babae habang sapu nito ang kanyang likuran na sumasakit. Mainit ang kanyang pakiramdam at natutulig sa mga tinig na naririnig. Napanganga itong tumingala sa langit. Lumabas ang matutulis na ngipin kasabay nang tuluyang pag-iba na anyo. " Ahhh... Ahhh... Ahhh... " hingal na hingal ang halimaw. " Ahhhh! " alulong nito habang nakatingin kay Nathalie.
Ngumisi ang dalaga. " Sinasabi ko na nga ba... mukhang totoo nga ang naiisip ko tungkol kay Luciana. Halimaw ang katulong niya kaya malamang... halimaw din siya, " hinubad ni Nathalie ang kanyang suot na damit. Ipinakita niya ang tunay niyang anyo bilang isang halimaw. " Habulin mo ako kung kaya mo... " mabilis itong lumipad palayo sa parking lot.
*****
" Kanina pa tayo naghahanap Romeo. Ano'ng gagawin natin baka may mangyaring masama kay Manang Carol huhuhu! " saad ni Mandy na nag-aalala sa matandang katulong na nawawala.
Niyakap ni Romeo ang dalaga. " H'wag kang mawalan ng pag-asa Mandy makikita rin natin si Manang Carol. "
" Pero pa'no!? Huhuhu! Halos nahalughog na natin ang kasukalan ng lugar na ito huhuhu! "
" Siguro mas mabuti pa'ng humingi na tayo ng tulong sa iba. Hindi ba may witch na kaibigan si Ms. Lucy baka matulungan niya tayo? "
Pinahiran ni Mandy ang mga mata nito. " Tama ka, tatawagan ko si Ms. Resha ngayon para matulungan niya tayo sa paghanap kay Manang Carol hmm... "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampirosON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...