CHAPTER 129 " GUN AND ROSES "

1.5K 51 1
                                    

" Good morning guys! " masayang bati ni Mr. Yung sa mga freshmen student matapos nitong pumasok sa room.

" Good morning po Mr. Yung, " sagot ng lahat.

" Okay, kamusta ang umaga niyo? "

" Okay naman po. "

" Masaya Mr. Yung! "

" Malungkot kasi malamig po ang panahon. Kasing lamig ng nalalapit na Valentines Day ko. "

" Hahaha! " nagtawanan ang lahat.

" I see, tumahimik muna kayo guys. Siguro nagtataka kayong lahat kung bakit ako nandito ngayon samantalang bukas pa ang klase niyo sa akin... " pahayag ng professor.

" Siguro sasabihin na nila ang tungkol sa pagreresign ni Ms. Debbie rito sa university, " mahinahong sambit ni Resha.

" Baka naman siya na talaga ang magtuturo ng Personality Development sa atin, " tugon ni Adrian.

" O siya, hindi ko na patatagalin pa. Nais kong ipakilala sa inyo. Ang inyong magiging instructor para sa subject ni Ms. Debbie walang iba kundi si Mr. Eriol Nam... " masayang ipinakilala ni Mr. Yung ang isang lalaki. Napatulala ang mga estudyanteng kababaihan nang pumasok ang kanilang magiging instructor. Hindi rin makapaniwala sina Resha at Adrian sa lalaking nakita nila.

" Joeun achimimnida... I'm Eriol Nam nice to meet you guys! " anito habang nakangiti sa lahat. Nagkaroon naman ng palitan ng opinyon ang mga estudyante ng makita si Eriol.

" Seriously? Parang kaedad lang natin siya. "

" Ang cute naman niya! "

" Mr. Yung, sure ba kayo na instructor namin siya. Ang pogi niya kasi! "

" Oo nga sir, ang cute-cute niya eh. Ayeee! "

" Quiet! Siya talaga ang bago niyong instructor sa subject ni Ms. Lee, " masayang sagot ni Mr. Yung.

" Kung gano'n sana hindi na bumalik si Ms. Debbie! Hahaha! "

" Ang sama mo friend. Hahaha! "

" Pogi ni Mr. Nam sarap ikiss hahaha! " biro ng matabang babae.

" Mas pogi pa rin ako d'yan, " sagot ng lalaking estudyante.

" Sa panaginip mo oo but in person duh! " napairap ang matabang estudyante.

" Wow ha, sa panaginip ko nga ang payat mo raw eh. Anyare sa 'yo ngayon!? Hahaha! " sagot nito.

" Quiet! Iiwan ko na siya sa inyo. Magbehave kayo ha baka naman ipahiya niyo ako sa kanya. Hindi porke bago lang ang instructor niyo ay hindi niyo na siya igagalang. Sige Mr. Nam ikaw na ang bahala sa mga 'yan kapag may problema sa kanila ay puntahan mo na lang ako, " nakangiting tinapik ng professor ang balikat ng binata bago ito tuluyang umalis.

" Adrian, hindi ba siya 'yung lalaking nakabungguan ko noong papunta tayo sa bookstore? " sabi ni Resha sa katabi. (Read: Chapter 126 Mama -BOOK 3)

" Oo siya nga, hindi ako maaaring magkamali dahil hindi ko malilimutan ang itsura niya, " sagot ni Adrian na seryosong nakatingin kay Eriol.

---

(CAFETERIA)

" Resha, binilan kita ng brownies na favorite mo, " saad ni Adrian bago naupo bitbit ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon