CHAPTER 135 " CRACK THE WHIP "

1.5K 57 13
                                    

" Nakakamiss si Lucy, naaalala ko 'yung mga panunukso niya sa ating dalawa... " saad ni Adrian habang nakatingin sa puntod ni Lucy.

" Nakakamiss 'yung mga araw na lagi ko siyang nakakasama sa KNU. Alam mo Adrian, si Lucy ang kauna-unahang kaibigan ko sa university. Kahit binubully kami ng mga sophomores hindi siya nagsasawang ipagtanggol ang aming mga sarili, " nakangiting dugtong ng dalaga.

" Kung nasaan man ngayon ang kaibigan natin malamang na masaya na siya. Pangako ko sa 'yo Resha Kim hinding-hindi kita iiwan... hanggang kamatayan. "

Napatingin si Resha kay Adrian. " Ha? Nagpapaalam ka na ba? Hahaha! Ano'ng sinasabi mo'ng hindi mo ako iiwan hanggang kamatayan. "

Napakamot sa ulo ang binata habang nakangiti ito. " I mean, mamahalin kita hehehe. Saka alam kong boto sa akin ang bestfriend mo. Baka multuhin niya ako kapag sinaktan kita hehehe "

" Hay naku, h'wag kang loloko-loko d'yan Adrian. Nasa harap tayo ng puntod ni Lucy kaya sa oras na saktan mo ako I'm sure babangon siya d'yan sa kabaong niya para kunin ka hahaha! "

" Hahaha! Don't worry, hinding-hindi 'yun mangyayari. "

Samantala lingid sa kaalaman nila na kanina pa sila minamatyagan sa kalayuan ng dalawang taong nakasuot ng itim na robe. Miyembro ito ng samahan na tinatawag na The SON kung saan sila ang sumusupil ng mga supernatural beings o halimaw na nambibiktima at pumapatay ng mga tao sa Changwon. " Sigurado ka ba'ng isang supernatural being ang binatang iyon? "

" Oo, nakalaban ko na siya kagabi. Kitang-kita ko ang halos pagpapalit-anyo niya. Napakagandang halimaw na sadyang sa mga alamat mo lang mababasa. "

" H'wag mo'ng sabihin na interesado ka sa kanya dahil gusto mo siyang patayin. Kumakain ba siya ng mga tao? "

" Hmm, base sa alamat na nababasa ko tungkol sa halimaw na 'yan ay kumakain ito ng atay ng mga taong kanyang binibiktima. Kaya sigurado akong isa siya sa dahilan ng mga hindi maipaliwanag na patayan dito sa Changwon. "

" Alam kaya ng kasama niyang babae ang tungkol sa pagkatao ng lalaking kaibigan niya. "

" Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mayroon ding kakaiba sa babaing iyan. "

" Kung gano'n dapat natin silang bantayan. Siguraduhin muna natin ang ating mga haka-haka bago ibalita kay Patron. "

Biglang napatingin sa paligid si Adrian. " Adrian, kanina ko pa napapansin na patingin-tingin ka sa ating mga dinadaanan. May hinahanap ka ba? "

" Wala naman, para lang kasing may tumitingin sa atin sa kalayuan. "

Napatingin na rin ang dalaga sa kabuoan ng sementeryo. " Wala naman akong napapansin na ibang tao maliban sa atin... "

" Hayaan mo na, ang mabuti pa ay mamasyal muna tayo sa amusement park tutal wala naman tayong pasok ngayon, " nakangiting tugon ni Adrian.

" Okay sige, matagal na rin akong hindi nakakapunta sa gano'n. "

*****

" Hmm... sino naman kaya ang halimaw na pumatay sa dalawang estudyanteng 'yon? " ani Nathalie matapos mabasa ang nakasulat sa front page ng dyaryo.

" Baka ikaw ang may gawa niyan? " nakangiting sagot ni Eliziah nang mapadaan siya sa living room.

Agad tumayo si Nathalie habang hawak nito ang dyaryo. " Hindi ako ang gumawa niyan! Nagpunta lang ako sa bar kagabi. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon