CHAPTER 175 " MY DEAREST INTRUDER " PART 1

424 11 3
                                    

Naisipang tawagan ni Eliziah sa cellphone nito ang kaibigang si Kashmir. Nais niyang ikuwento rito ang tungkol sa nadiskubre niyang pagiging halimaw ni Chelsea gayundin ang dalawang babae na pumatay noon sa kilalang doktor na si Dr. Martin Young na kaalayado ng kanilang pamilya. " Hays! Bakit ba hindi ko na makontak ang babaing 'yun. Ang sabi lang niya sa akin mawawala siya pero heto at hindi ko siya makausap, " nang matapos ang kanyang pag-dial ay naisipan nitong buksan ang telebisyon. Napanood niya sa newsflash ang tungkol sa engradeng paglalaunch ng panibagong alahas ng Campbell Jewelries. Nakita niya sa balita ang clip ng speech ni Lucy gayundin ang founder ng kumpanya na si Richard Campbell. " Hindi ko akalain na ganito pala kayaman si Luciana. The prize of her jewelry design is worth 6 million dollars to 35 million dollars. Halos barya na lang pala sa kanya ang ibinayad kong 12 million para sa pagmomodelo niya sa kumpanya ko. Well, kay Jenna Bong naman nanggaling ang pera kaya hindi na rin masakit sa bulsa, " napangisi ito habang nanonood ng balita.

Nang matapos ang newsflash ay biglang dating naman ng katulong nito. Sinabi nito sa kanyang amo na mayroong tao sa labas na nagpupumilit pumasok sa mansyon. " Ang sabi ko nga po ay titignan ko muna kung gising na kayo. Kasi po sa pagkakatanda ko nagwala po ang babaing iyon noon dito at inaway ang bisita niyo. "

" Mukhang kilala ko na ang tinutukoy mo. Sabihin mo sa kanya nagpapahinga ako at hindi ako puwedeng istorbohin. "

" Iyon na nga po 'yung sinabi ko sa kanya bigla pong nagalit sa amin. Kapag di niya raw po kayo nakausap mag-eeskandalo siya, " nag-umpisa ng maglakad sina Eliziah kasama ang katulong nito papunta sa maindoor ng mansyon.

" Oh, where are you going? " ani Chelsea ng masalubong ang dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Oh, where are you going? " ani Chelsea ng masalubong ang dalawa.

" Siya po 'yung sinasabi ko sa inyo Ms. Ellie, " sambit ng katulong. Sinenyasan naman ito ni Eliziah na iwanan na silang dalawa ng taong dumating.

Hinablot nito ang braso ng dalaga matapos lapitan. " You! Why are you here? "

" Ouch! Ano ba'ng ginagawa mo? "

" Ang aga-aga nambubulabog ka rito ha, " binitiwan nito ang braso ng kausap.

" Isn't it obvious Tita Ellie, may kasunduan tayo remember? I will help you... and you will help me. "

 "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon