CHAPTER 186 " A SNAKE IN THE GRASS "

274 16 0
                                    

(D' ULTIMA MANSION) 10:55 am

Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawang blood hag sa terrace ng mansyon matapos makabalik ni Eliziah galing sa kanyang silid upang kunin ang folder ng naglalaman ng impormasyon tungkol sa labing limang Lucy Campbell na nakatira sa Changwon. Matapos nito ay ikinuwento naman ni Kashmir ang buong detalye sa kanyang kaibigan matapos niyang magpaalam noon dito para umalis. Napagdesisyunan niya raw noon na manmanan ang bawat galaw ni Luciana sa Changwon upang makahanap ng ebidensya na makakapagpatunay na ito ang tumatraydor at kumakalaban ng pailalim sa mga d' Ultima. Sa kanyang ginagawang pagmamanman ay naisipan naman niyang alamin kung anong klaseng tao si Victoria Stacey na mahigpit na kalaban naman ng kanyang kaibigan sa negosyo. Sinundan niya ito hanggang sa malaman kung saan nakatira. Doon niya nakita kung gaano kaawain ang babae sa mga taong nakikilala nito sa lansangan. Isang pulubing dalaga raw ang tila humakot ng atensyon ni Victoria habang siya ay nakamasid. Dahil doon nakabuo ng plano si Kashmir na makipagkaibigan sa dalagang pulubi at gamitin ito upang mas mapalapit pa ng husto ang loob kay Victoria.

Gumamit si Kashmir ng panibagong mukha bilang isang matandang pulubi at nakisilong sa bahay-bahayan nito sa isang under bridge. Ilang araw din ang kanyang tiniis sa lansangan kasama ng pulubing iyon na pagala-gala sa labas ng condominium building. Isang araw, napansin niya ang kotse ni Victoria Stacey na paparating. Inutusan niya kaagad ang dalagang pulubi na maghalungkat sa mga basuran upang sila ay mayroong makain. Hindi siya nabigo dahil napansin naman ni Victoria ang mangmang na pulubi. Nang makita niyang magkausap na ang dalawa ay lihim siyang nakatanaw sa kalayuan. (Read: Chapter 175 "My Dearest Intruder" Part 1 -BOOK 3)

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik sa kanilang bahay-bahayan sa under bridge ang dalagang pulubi. Nagpapaalam na ito sa kanya at sinabing nais niyang sumama sa babaing nagngangalang Victoria dahil kinukuha na siya nito. Habang kumakanta ang walang kamalay-malay na pulubi dahil natutuwa sa kanyang gagawing pag-alis ay kaagad naman siyang pinukpok ng bato ni Kashmir sa noo. Madiin niyang pinagsasakal ang dalaga hanggang mawalan ito ng malay. Kinaladkad niya ito sa kalayuan kung saan walang makakakita sa kanilang dalawa. Hinubad niya ang lahat ng suot ng pulubi sa katawan. Hinihimas niya ang mukha at ilang parte ng katawan ng kanyang biktima. Doon niya sinimulan ang orasyon upang makuha ang wangis ng kawawang pulubi. Pagkatapos niyang makuha ang mukha nito ay nagpalit-anyo siya bilang bolang apoy na isa sa mga kakayahan ng katulad niyang blood hag. Sinunog niya ang katawan ng pulubi hanggang sa tuluyang maging abo. Matapos ang kanyang ginawa ay nagsaanyong tao na muli si Kashmir. Sinuot niya ang damit ng kanyang biktima at nagbalik sa under bridge kung saan sila nakatira. Dumampot siya ng bato at bahagyang ipinukpok sa kanyang noo. Nagising na lamang si Kashmir na nasa piling na ni Victoria. Bakas sa mukha ng babae ang pag-aalala nito sa kanya nang makita ang sugat na nagdurugo sa noo. Nais sana siya nitong dalin sa ospital ngunit agad niyang tinutulan at gumawa ng mga huwad na pangyayari sa kanya. Iyon na nga ang araw na isinilang si Mira kung saan ay kinupkop na siya ni Victoria at itinira sa tinutuluyan nitong unit sa condo. (Read: Chapter 176 "My Dearest Intruder" Part 2 -BOOK 3)

" Wala kaming kaalam-alam ni Zatur sa mga ginagawa mo. "

" Alam mo naman na nagdududa talaga ako kay Luciana. Unfortunately, kay Victoria Stacey ako napunta matapos kong magpanggap bilang Mira. Pero hindi na rin masama dahil nalaman ko ang sikreto niya na konektado sa totoong pagkatao ni Luciana, " nakangising tugon ni Kashmir sa malapit na kaibigan.

" Hmm, pero paano mangyayaring connected silang dalawa sa isa't isa? If I'm not mistaken, ampon si Luciana at namatay ang kinikilala niyang parents nung 18 yrs. old pa siya. Lately, nalaman ko sa kanya na lolo na lamang niya ang nakakasama niya sa Seoul taliwas sa inireport sa akin ng aking private investigator na mag-isa na lamang raw sa buhay si Luciana. Same thing kay Victoria Stacey na namatayan ng asawa't anak," saad naman ni Eliziah na halatadong napapaisip tungkol sa kanyang mga nalaman.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon