" Kailan ka pa natutong bumaril? " tanong ni Vincent matapos nitong mapanood ang dalaga magshooting range.
" Last week after matapos ng training natin para sa self-defense, " ipinatong nito ang baril na hawak.
" Hmm, pinabibilib mo talaga ako Chelsea. Pinanuod ko lahat ng ginawa mong gun firing at karamihan doon ay bullseye ha, " nakangiti ito sa dalagang kausap.
" Really? Do you think kayang-kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko ngayon? "
" Of course, lahat ng itinuro ko sa 'yo noon at itong ginagawa mong pagbaril. No doubt, you can protect yourself. Hindi mo na kailangan pa ang isang katulad ko hehehe! "
" Ang corny mo naman... " napailing si Chelsea habang nangingiti.
" Oh bakit? Tama naman ako 'di ba. "
" Wala, nakakatawa lang 'yung sinabi mong hindi ko na kailangan ang tulad mo. Eh, lahat naman ng ito dahil sa 'yo... I mean dahil sa mga itinuro mo. "
" Hmm, talaga, kung gano'n bakit hindi ka na lang kaya sumali sa The SON. Tutal marunong ka ng makipaglaban at magiging inspirasyon pa nila ang kuwento mo kung bakit nagdesisyon kang matutong ipagtanggol ang sarili mo, " masayang alok ng binata kay Chelsea.
" A-ako? Sa-sali sa inyo? "
Hinawakan ni Vincent ang kamay ng taong nasa harapan niya. " Oo, ayaw mo ba nu'n? Mas matututo ka sa pakikipaglaban at marami ka pang malalaman tungkol sa hiwagang bumabalot sa ating mundo. Sabay tayong haharap sa mga halimaw dito sa Changwon... " nang sandaling iyon ay bigla nitong naalala ang mga sinabi sa kanya ng kaibigang doktor na madalas niyang nakakausap tungkol sa kanyang mga binabalak.
-----
(FLASHBACK)
" Hey, are you kidding me? Gusto mong sumali sa grupong iyon? For what!!!? " saad ni Margareth sa ka-videocall nito.
" Kapag sumali ako sa The SON makakatulong ko sila sa mga gagawin kong paghahanap kung sino ang pumatay kay Papa. "
" Sweetheart, kakapalit mo lang ng anyo bilang halimaw kagabi. Tapos, hindi mo na pinatay si Eliziah d' Ultima sa halip ay nakipagkampihan ka pa sa kanya. Sa tingin mo ba, once na sumali ka sa The SON hindi nila malalaman ang mga sikreto mo. Hindi nga natin alam kung sinu-sino ang miyembro nila at baka isang araw magulat na lang tayo na nadetect na nilang nagiging taong-ibon ka. "
" So ano'ng gusto mong gawin ko Dr. Cheng hintayin ko lang na sumulpot ang dalawang babaeng iyon na nakapang-nurse. My god! Kailan ko pa ba sila makakalaban para mabigyan ng justice ang nanyari sa tatay ko. "
" Ang dapat mong gawin ay manigurado kang kakampi mo talaga sa ngayon si Eliziah d' Ultima. Hindi ang sumali sa grupong The SON. Baka naman sinasabi mo lang 'yan dahil may feelings ka na doon sa Vincent? " usisa ng doktora.
Hindi kaagad nakasagot si Chelsea. Muli itong napahikab at tumingin sa salaminan ng kanyang kuwarto. " Wala... "
" Anong wala? "
Tumingin ito sa kanyang kausap. " Wa-wala akong feelings sa kanya... "
" Siguraduhin mo lang dahil baka iyan pa ang maging dahilan ng kahinaan mo. Anyway, a piece of advise Chelsea. Huwag kang masyadong magtitiwala kay Eliziah d' Ultima. Ikaw na ang nagsabi sa akin na tuso silang lahat. Baka sa ginagawa mong pakikipagkampihan sa kanya ay sa huli baliktarin ka ng babaing 'yan. So please, use your head wisely huwag mong hahayaan na ikaw ang magsuffer sa bandang huli. Understand? "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...