(KINAUMAGAHAN) 6:03 am
Seryosong nanunood si Debbie sa sala tungkol sa balitang pagkamatay ng mga hayop sa isang farm. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, halos naubos ang dugo ng mga alagang manok, baboy at tupa ng isang mayamang nagmamay-ari ng isang hacienda. Hindi raw masasabing tao ang gumawa nito dahil laman loob ng mga hayop at dugo ang kinuha rito. Sinasabing may koneksyon ang nangyaring ito sa mga patayang naganap noong nakaraang mga buwan na hindi pa rin nareresolbahan ng kapulisan sa lungsod ng Changwon. " Diyos ko, kawawa naman ang owner ng farm malamang na malulugi siya sa kanyang negosyo... " sambit nito ng mapatakip ang kanyang kamay sa bibig.
" Debbie, ang aga mo yatang nagising? " ani Eliziah sa kapatid nito.
" A-Ate, nand'yan ka pala, hindi na kasi ako makatulog nang maalimpungatan ako kanina. "
" Dapat sa 'yo ay nagpapahinga pa. Saka ano ba 'yang pinapanood mo? " napatingin si Eliziah sa telebisyon.
" News about sa nangyaring pagpatay sa mga alagang hayop ng isang farm owner dito sa Changwon. Malamang halimaw ang pumataw niya... "
Naupo ito sa tabi ng kapatid. " Can you please stop saying that Debbie. Walang halimaw dito sa Changwon. H'wag mo'ng tinatakot ang sarili mo. "
" Kakapasok lang na balita isang pamilya ng journalist nang kilalang newspaper company dito sa Changwon ang namataang naliligo sa kanilang mga sariling dugo sa loob ng kanilang bahay. Nakakakilabot ang sinapit ng mga ito dahil ibinigti ang nasabing journalist at butas ang dibdib... -TV "
Napatingin si Debbie kay Eliziah at may ilang beses na napailing. " See? Hindi na talaga safe rito sa Changwon Ate Ellie. I know malawak ang connection niyo but I think dapat na tayong umalis sa lugar na 'to. Nakakatakot na... puro patayan na lang... at mga halimaw! Umalis na tayo rito... tama pumunta na lang tayo sa America, " aligagang pakiusap nito sa kapatid.
Kinuha ni Eliziah ang remote na nakapatong sa lamesa at agad pinindot ang off button nito. Hinawakan niya ang kamay ni Debbie. " Hindi tayo puwedeng umalis dito sa Changwon dahil atin ang bayang ito. Wala kang dapat katakutan dahil hawak natin ang lahat dito. This is our kingdom Debbie at walang sinuman o anuman ang puwedeng magpaalis sa atin dito. You should remember that. Okay? "
" A-Ate... hindi kita maintindihan. Changwon is not ours... naninirahan lang tayo rito, " nagtatakang sagot nito.
Nakangising hinaplos nito ang kanang bahagi ng buhok ni Debbie. " I know it is hard to understand. Dadating ang panahon na malalaman mo rin ang katotohanan. Wala kang dapat ikatakot dito dahil walang puwedeng gumawa sa atin ng masama... "
Biglang napatayo si Debbie at napatalikod sa kapatid. " Pa'no ka nakakasiguro Ate Ellie. Kahapon lang may humarang sa amin ng anak mo sa daan. Kinukuha nila ako at galit na galit sila sa 'yo dahil pinapatay mo raw ang kaibigan nila. Ano ba talagang totoo Ate, bakit ba maraming nagagalit ngayon sa pamilya mo at inaakusahan kayo ng mga bagay-bagay na hindi niyo naman ginawa, " humarap ito kay Eliziah na kasalukuyang nakaupo sa sofa.
Napatayo ito matapos marinig ang mga sinabi ng kapatid. " See, ito ang epekto sa 'yo ng panonood mo ng mga balita sa TV. Kung gusto mo'ng lumipat sa ibang lugar pagbibigyan kita Debbie. Pagkatapos ng school year ni Felix. Magbabakasyon muna kayong dalawa sa America para mas mapabilis ang medication mo. "
" Ate, this is not all about me. Ayaw ko lang na masira ang pamilya mo nang dahil sa mga ibinabintang nila sa inyo. Napakayaman niyo na ni Kuya Markus and I know kahit pa ilipat niyo ang business niyo hindi na kayo maaapektuhan nito, " hinawakan ni Debbie ang kamay ng kapatid.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...