(KINAUMAGAHAN) 8:49 am
Habang kumakain si Lucy nang breakfast ay abala ito sa paggamit ng kanyang laptop. " Ms. Lucy, pinatawag niyo raw ako sabi ni Mandy. "
" Yes, have a sit. "
Matapos umupo nang binata ay tahimik lamang ito. Napansin naman ni Lucy na taliwas ang ikinikilos ni Jerson sa madalas na ginagawa nito sa tuwing magkausap sila. " Is there any problem? "
" Nothing. "
" Good. Ipinatawag kita dahil may misyon akong ibibigay sa 'yo. "
" Ano'ng klaseng misyon? "
Iniharap ng dalaga ang kanyang laptop kay Jerson. " This is General Carlos Min. Siya ang namumuno sa kapulisan dito sa Changwon. Gusto kong imbestigahan mo ang bawat galaw niya. "
" Okay, ano'ng mayroon sa kanya. "
" Well, narinig ko kagabi ang mga pinag-uusapan nila ni Eliziah d' Ultima. Miyembro rin siya ng organisasyon at siya ang kasabwat ng mga d' Ultima sa pagtatakip ng lahat ng krimeng ginagawa nila rito. "
" It seems na nalaman mo na lahat ng tungkol sa kanya. Bakit ko pa siya iimbestigahan. "
" I want to know everything about sa mga ginagawa niya especially kung paano siya magpalakad sa kapulisan dito. Paano niya pinagtatakpan ang mga krimen and most importantly gusto ko rin malaman ang tungkol sa organisasyon na mayroon sila. "
" Okay. "
Iniharap ni Lucy ang laptop sa kanya. " Okay? Are you okay Jerson? "
" Ha? " nagtaka ang binata.
" I'm sure may gusto kang sabihin. Tell me may problema ka ba? "
" Actually, iniisip ko lang ang lagay ni Manang Carol. "
" She's fine. Sabi ng kanyang doctor kailangan niya nang pahinga. You know matanda na kasi siya kaya siguro kailangan niya lang... " pahayag ni Lucy nang biglang nagsalita ang binata. " Alam mo na ba? " seryosong tanong nito sa dalaga.
" Alam ang alin? " patuloy sa pagbabrowse sa laptop si Lucy.
Nagbuntung-hininga si Jerson bago sumagot sa kanyang amo. " Alam mo na bang halimaw ang may gawa ng malaking sugat niya. "
Napahinto ang dalaga sa kanyang ginagawa. Hindi niya alam ang kanyang isasagot tungkol dito. Hindi niya akalain na alam na rin ni Jerson ang tungkol sa sugat ni Manang Carol na gawa ng isang halimaw.
Paano niyang nalaman ang tungkol doon. Hindi kaya nasabi sa kanya ni Mandy. (Lucy)
" Let me explain... "
" Explain? Naaatim mo'ng magkaganyan ang tauhan mo rito sa mansyon mo!? Ano'ng klase kang amo? " napalakas ang boses ni Jerson.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...