CHAPTER 136 " BLACK RIBBON "

1.4K 58 9
                                    

Nagpasya si Lucy na puntahan ang puntod ng kanyang ama. Gusto niyang magpag-isa ng mga oras na iyon dahil sa mga nangayayari sa kanya. " Ama... bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Nadadamay 'yung mga taong tumutulong sa akin at nakakasama ko. Bakit kailangang sapitin ni Manang Carol ang nangyayari sa kanya ngayon huhuhu! A-alam kaya ng Diyos na ang matandang iyon ay parang nanay ko na sa mansyon kahit na katulong ko lamang ito. Si-si Henrik huhuhu wala na akong balita kung ano nang nangyayari sa kanya huhuhu! Mi-minsan naiisip ko naging unfair ang Diyos sa akin huhuhu! Wa-wala na nga akong pamilya pati ba naman 'yung mga taong nakakasama ko ngayon ay mawawala na rin huhuhu! "

Samantala nagtaka naman si Debbie kung bakit ipinarada ni Felix ang minamaneho nitong sasakyan malapit sa isang sementeryo. " What are we doing here? " may pagtataka sa tanong nito.

" Tita, may gusto lang akong bisitahin  dito, " hinugot nito ang susi ng sasakyan at tinanggal ang sit belt sa katawan.

Napatingin sa car window si Debbie bago muling nagtanong sa pamangkin. " Seriously, dito talaga sa cemetery? "

" Opo, don't worry Tita saglit lang po ako. Dito na lang muna kayo baka makasama pa sa inyo na maglakad sa isang sementeryo. "

" Hindi naman sa gano'n Felix. Hindi mo kasi nabanggit kanina na pupunta tayo ngayon sa isang cemetery dito sa Changwon. Ang mabuti pa ay bumaba na tayo, "  tinanggal na nito ang suot na sit belt.

" Sasama po kayo? "

" Of course, alangan namang hayaan kita rito. Ayaw mo ba? "

" Hindi naman po. "

" Well, sige, hihintayin na lang kita rito sa kotse. Kuwentuhan mo na lang ako mamaya tungkol sa dinalaw mo rito, " biglang ngumiti si Debbie.

" Sige po, " bumaba ang binata sa sasakyan at mabilis na pumasok sa gate ng sementeryo.

---

" Chels, bukas na ang libing ni Marie. Hindi na talaga natin siya makikita, " saad ni Nicole sa kaibigan habang naghuhugas ng kamay.

" Okay lang 'yun. Atleast kasama na siya ni Lord, " patuloy sa paglalagay ng lipstick si Chelsea.

" Pero nakakalungkot pa rin 'yon. Ang tagal na nating magkakaibigang tatlo tapos nalagasan na tayo ng isa. "

Inilagay ni Chelsea ang lipstick sa loob ng shoulder bag nito. " Alam mo kasi Nicole wala naman talagang forever sa mundo. Sadyang lahat tayo ay mamamatay. Hindi nga lang natin alam kung kailan. Nauna lang siyang kinuha dahil napakabait niya kasing kaibigan sa atin, " nginitian nito ang kaibigan.

Ako na ang gumawa ng paraan para magkita sila ni Kamatayan. Atleast hindi malamig kung nasaan man siya ngayon. Ang init kaya sa impyerno hahaha! (Chelsea)

Habang nanalamin si Nicole ay inayos naman ni Chelsea ang pagkakatali ng itim na laso sa kanyang nakapusod na buhok. Habang nakatingin sa malaking salamin ay tumunog ang cellphone ng dalaga. Tinignan ni Chelsea kung sino ang tumatawag sa kanya. " Nicole, mauna na ako sa 'yo ha, " biglaang paalam nito sa kaibigan.

" Bakit saan ka pupunta Sis? "

Sinukbit kaagad ng dalaga ang shoulder bag. " Ah... ma-may emergency kasi tumatawag si Papa sa akin. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon